Chapter 61... LAGLAG BALIKAT NANG PUMASOK si Sabrina't Hen sa loob ng Taxi. Hindi niya inaasahang ang Condo unit ni Thunder malapit sa airport ay ibinenta na pala nito. Doon sila dumiretsyo para sopresahin ito. Pinag isipan pa naman niyang mabuti ang pasya. Ngunit wala rin pala siyang aabutan. "Mommy, nagugutom na po ako." Dining niya kay Hen habang hawak nito ang tiyan na kumakalam. "Malapit lang ang bahay ng Lola mo, anak. Doon na lang tayo kakain ng tanghalian, hah?" Sagot niya sa batang nakabusangot dahil sa gutom. Pero yung totoo ang huling pera nila ay ang naging pamasahe nila papunta sa condo ni Thunder. Hindi niya lamang masbi sa batang wala na siyang pera at kung meron 'man, bakit niya hahayaang magutom ang sariling anak niya? Ngayon wala siyang ibabayad sa Taxi Driver, ipab