Chapter 40... "BITAWAN MO 'KO!" Malakas na hiyaw ni Sabrina kay Thunder. Isinabit lang siya nito sa matigas na balikat nito na tila ba isang malaking sako. "No! I will punish you." madiin na sagot nito at patuloy sa paghakbang palapit sa may pintuan ng kuwarto. "Ako pa talaga ang bibigyan mo ng parusa? Para saan? Ikaw dapat ang bigyan ng parusa dahil sa pagkinap mo sa ''kin!" gigil na sagot niya at muli, iginalaw niya ang magkabilang paa saka ikinawag-kawag iyon. Tulong para mabitawan siya. Datapwat lalong nag-init siya sa galit ng bahagya nitong tampalin ang puwitan niya na tila ba isang siyang bata. "Bastos ka talaga! Wala kang modo! Naturingan kang abogado pero kulang ka sa magandang asal!" nanggugumigil na bigkas nya at nagawa na rin nitong maipasok siya loob ng kuwarto ng ganoo