Chapter 67... BUMITAW SI THUNDER sa mainit na paghalik nang kaniyang nobya nasi Andrea. Kahit paulit-ulit silang maghalikan nito walang init siyang nararamdaman rito. "Whats wrong?" anito sabay taas balikat sa pagtataka, "Kanina pa kita napapansing wala sa sarili. May problema ba mahal?" dagdag na tanong pa nito. "Okay lang ako. Napagod lang sa ilang araw " ani Thunder na sagot, saka pinindot ang pisngi ng nobya. Napangiti naman ito. "Dalawang araw tayong hindi nagkita. Na miss kita ng sobra, mabuti na lang pareho tayong hindi busy today." saka sumandig ito ng ulo sa balikat niya habang ang dalawang kamay ay pumalupot nang yakap sa bewang niya. Nakaupo sila sa sila sa sopa, hindi niya inaasahang darating ito ngayong umaga sa kaniyang condo. Dalawang araw ang nakalipas nang magkita s