Chapter 75... PAGKABUKAS NI THUNDER ng pintuan nang kaniyang kuwarto, hindi niya hinayaan bumagsak iyon para hindi magbigay tunog. Dahan niyang isinarado iyon para walang tunog na maririnig ang mag-ina niya. Ikom ang magkabilang panga na may halong panggi gigil. Hindi maitatangging kumikirot ang puso niya dahil sa paulit-ulit na pagbanggit ng anak niyang si Hen sa lalaking nagnakaw ng pagmamahal ng anak niya. Nagbago ang itsura niya ng kagatin niya ang pang-ibabang labi. Gusto niyang magwala para mailabas ang sakit na nakapaloob doon. Dumako siya sa may bintana at doon ibinaling ang atensyon para maging kalma. Ito na ba ang karma na tinatawag nila dahil sa maling ginawa niya sa mag-ina niya? Ang ipamukha na mas gusto ng anak niya ang lalaking kinamumuhian niya. Nawala siya sa pag bar