DRAE HAVEN GARCIA
Dalawang araw na ang nagdaan mula noong magawang magpasikat ang boyfriend ko sa cafeteria ng school.
I admit, kinikilig ako roon. Tao lang ako, at nababakla rin! Kaya ito rin ang rason kung bakit halos dalawang araw na rin akong kulang palagi sa tulog. Palagi na lang nag-po-pop-up ang scenario ng araw na iyon. And imagining my face at that time made it even worse.
Nilingon ko ang alarm clock na nakapatong sa side table ng higaan. Isang minuto na lamang ay tutunog na iyon. Pero hindi na kailangan. Nauna na akong bumangon. At nang tumunog iyon, hindi na ako nabigla.
Bumaba na ako sa aking higaan, at naghanda na para sa klase—my usual daily routine; ligo, bihis, kain, sipilyo, pag-re-ready ng bag ko, susundoin ni Shin, at sasabayan siyang pumasok sa school.
NGINGITI-NGITI lang si Shin habang tahimik na naglalakad papuntang campus. Kanina pa siya ganito kahit noong nasa jeep pa kami, papunta rito.
“Ang tahimik mo ngayon, ah. May himala ba? By the way, kamusta ang pag-uusap ninyo ni Catalina noong nakaraang araw?” panimulang tanong ko sa kaniya.
Tinaasan lang niya ako ng kilay at bahagyang tinawanan. Napakamot rin siya ng kaniyang batok bago magsalita.
“Well, ayos lang naman ang pag-uusap namin. Mukhang okay na nga siya, eh. Sabi ko sayo, eh. Masyado ka lang nag-o-overthink.” Mataman niya akong nginitian.
Napairap na lamang ako. “Anong sabi niya? Sige nga, ikwento mo?”
Napabuntonghinga siya. “She's with Carl now. And I think they're already fine together. Basta, okay na nga kami. Huwag ka nang mag-alala,” aniya.
Sandali ko lang siyang pinagkatitigan, bago siya hinarap. “Carl Dizon?”
Tumango siya. “Yes, classmates kayo dati noong nasa ABM classes ka pa, hindi ba? Nakita ko silang palaging magkasama. In fact, noong hindi pa kami hiwalay, nakita ko na silang magkasama nang silang dalawa lang. So, maybe it's a tie,” aniya nang may pagkasarkastiko ang boses.
Nangunot ang noo ko. “You sound rude. Malay mo naman, magkaibigan lang sila.”
“You don't really know Carl, Drae. Pero bahala na. Buhay na nila iyon. Ang importante, mananahimik na ang konsenya mo.” He chuckled.
“You act actually weird today, Shin,” komento ko na mukhang hindi na niya pinansin.
Napatingin ako sa paligid nang mapagtanto kong nasa school ground na pala kami. At kagaya nitong mga nagdaang araw, dinudumog na naman kami rito na para bang celebrity kami ng isang Thai BL series.
“The hell, hindi kami si Tine at Sarawat!” bungad ko nang mahagip ang mga babaeng nagkukumpulan na panay ang pangunguha sa amin ng stolen pictures.
Nilingon ko si Shin nang matutuhang wala na siya sa tabi ko. At doon ko siya natagpuan sa mga nagkukumpulang mga babae na nanghihingi sa kaniya ng autograph. Iyong iba ay may paperma-perma pa sa kanilang personal customized jersey na ka-number niyong sa jersey ni Shin—number fourteen.
Tinawag ko si Shin, ngunit sakto namang dumating ang mga grupo ng mga bading na may dalang banner na may nakasulat na; “Athletic Campus' Crush ft. Music Club's Prince!” at may pa heart-heart pang nalalaman.
Kay aga-aga, sumasakit na ang ulo ko.
“Itigil niyo ’yan, baka sitahin pa tayo!” asik ko sa kanila, ngunit mas lalo lamang lumala ang lahat.
Ang sarap nilang murahin isa-isa. Kaso kahapon, nahuli ako ng couch ko nang minura ko ang aking ka band mate dahil inaasar niya ako. Kaya naman ngayon, pigil na pigil na ako sa kung ano man ang masasabi nitong aking bibig.
Why the hell is this happening to me? Hindi ko alam kung dapat ba akong matutuwa kagaya ni Shin dahil marami natutuwa at sumusuporta sa amin, o mahihiya dahil sa mga ka-jejemonan at ka-corny-han ng mga taong ito.
Noong nagdaang araw, pa-cheer-cheer lang ito, eh. Then kahapon, may pa-picture na. Tapos ngayon, may pa-banner na! Anong susunod? May pa-disco na ba? Buwis*t.
Hindi na ako nakakapatimpi pa. Kusa ko nang hinila si Shin palabas sa mga nagkukumpulang mga estudyante.
Hila-hila ko siya sa likorang bahagi ng kwelyo, hindi pinapansin ang bawat pagdaing niya. He's driving me nuts!
“Drae, ano ba? Masakit!” hiyaw niya.
Marahas ko siyang binitawan nang medyo nakalayo na kami. Nasa may common comfort room kami sa bandang likod na bahagi ng campus. Parehas na humihingal, galit na tinitingnan ang isa't isa.
“Shin, hindi porque okay sa mga estudyante, okay rin para sa mga guro. Paano kung mapagalitan tayo ng mga guro? Anong laban natin? Tapos madadamay pa sila na sumusuporta lang naman sa atin,” sunod-sunod na sermon ko, pero mukhang ayaw niya akong pakinggan nang maayos.
“Hindi naman tayo sinisita, ah.”
“Hindi pa. Hindi pa tayo sinisita. Alam mo, Shin, naguguluhan ako sa’yo, eh. Akala ko ba gusto mo ng challenges. Bakit parang mas lalo mo lang pinapasikat ang sarili mo?” galit na sambit ko.
“So, sinasabi mong pasikat ako? Ikaw na nga itong tinutulongan para komportable ka sa relasyon natin, eh. Para hindi mo mararamdaman na jina-judge ka nila. Lahat na lang ata na ginagawa ko para sa’yo, mali, eh.” Napabuga siya ng buntonghininga.
“Hindi naman sa ganoon ang ibig kong sabihin, Shin. Ayaw ko lang na mapahamak tayo at ang ibang tao. I appreciate you, really. Pero huwag naman ganito. Ang aga-aga, tapos ganoon na ka ingay. Parang gumagawa tayo ng pansariling intramurals, ganoon?” Pilit kong pinapakalma ang aking sarili.
Umiiling-iling lang siya at napasandal sa pader. “Magtiwala ka. Magsasawa rin sila sa ginagawa nila.”
Napataiim-bagang akong napatitig sa ibang direksyon. “You're childish, Shin.”
Rinig ko ang sarkastiko niyang halakhak, saka siya tumahimik.
Dinapoan ko siya ng tingin, at napabuntonghinga na lamang ako saka nilapitan siya. “Fine, I am sorry for dragging you here and for calling you childish. Kaya lang, hindi kasi ako kagaya mo na sanay sa mga pagpupuri. Hindi ako extrovert na kagaya mo. Mas nasanay ako sa tahimik, patagong nagpapatugtog ng gitara kasi nahihiya ako. Kagaya mo na nag-a-adjust din sa iyong pagkatao, ako rin, kailangan ko ring mag-adjust para makasabay sayo. Pero dahan-dahan lang,” mahinang tugon ko, sabay tapik sa kaniyang balikat.
He let out a soft frown. Akmang magsasalita na, nang . . .
“Oh my goodness! Dahan-dahan lang kasi, Shin!”
Natigilan ako nang marinig ang bungad ng bading na mukhang kakarating lang para sundan kami. At mas lalo akong nanigas sa aking kinatatayuan nang marinig ang mga nagsisitawanan sa likod ko.
This is too much. First, they took it the wrong way. Second, they're no longer respecting one's privacy.
Lilingonin ko na sana sila nang biglang magsalita si Shin.
“Hindi ko kasalanan na friendly ako, or what do you call—an extrovert. Masyado mo lang pinapangunahan ang mga mangyayari. If only you could stop overthinking, then you might live a free life.”
Napako ang mga mata ko sa kaniya. Walang emosyon ang kaniyang mga mata, at batid kong galit ito. But I swear I won't give a single d*mn about what he said. It was a sort of indirect insult!
Magsasalita na sana ako nang bigla siyang kumilos at mabilisang humakbang papalapit.
Akala ko ay yayakapin niya ako. Pero nilagpasan lang pala niya ako.
“Oh, LQ yata ang Drae-Shin couple! Bigyan muna natin sila ng space,” rinig kong wika ng isang babae.
Mukhang nakaintindi naman ang mga taong nandoon, at mailang sandali lang ay hindi ko na sila maramdamang nakiki-usyuso pa sa amin.
“Ngayon pa nila kami binigyan ng space. Ngayon pa sila nahiya,” bulong ko sa sarili.
Mailang sandali akong nanatili roon habang tahimik na napatitig sa kawalan. Parang gusto ko na lang atang um-absent ngayon.
NATAPOS ang klase nang hindi kami nagkita ni Shin. Hindi siya pumasok, at nanatili roon sa kanilang training kahit kaninang lunch break.
Hindi ako pumasok sa music club. Nanatili lamang ako sa room, at mas binigyan ng oras ang pag-participate sa klase. Bawi na rin sa mga araw na wala rito madalas ang atensyon ko, kung hindi ay nasa music club.
Mag-isa akong naglalakad papuntang jeepney stop. Pinili kong mag-taxi dahil wala akong mood para makipagsiksikan sa mga tao sa jeep. Nais ko ring maihinto sa tapat mismo ng apartment ko.
Wala parin ako sa sarili hanggang makarating sa bahay. I hate this feeling. Hindi ako sanay. I dislike the feeling of being controlled by somebody or even being controlled by my own emotions.
Nanlaki ang mga mata ko nang makapasok ako sa loob ng apartment. Pamilyar sa akin ang amoy na nagpapabalik sa akin sa katinuan.
It was my mom's perfume! She's here?
Oo nga pala! Nagbilin nga pala sila na uuwi sila rito this week. Ngunit mukhang napaaga yata ng isang araw.
“Drae, you're home.”
Napaigtad ako nang tayo nang marinig ang boses ni Dad mula sa aking likuran.
“D-Dad! Kanina pa po ba kayo narito ni Mom?” utal na tanong ko, at pinilit ko siyang nginitian.
I hugged him awkwardly. Hindi pa tuluyang nag-sink in sa akin ang mga nangyayari ngayon. Bangag pa ako.
Rinig ko ang kaniyang pagtikhim, at doon ko namalayang hindi pala ako niyakap pabalik ni Dad. Mas lalo lang akong na-a-awkward.
Lumayo ako nang kaunti mula sa kaniya, at ngumiti ulit nag sapilitan. Napahimas ako ng batok.
“W-Where is Mom?” tanong ko.
Hindi niya sinagot ang katanungan ko. Sa halip ay iniba niya ang usapan.
“We need to talk about your relationship with Shin Harold Bautista.”
Awtomatikong naistatuwa ako sa aking kinatatayuan, walang lumalabas na salita sa aking lalamunan.
“Shin, ito ang talagang kinatatakutan ko,” tanging usal ko sa aking isipan.
I am dead.