LUTANG ako matapos ang nangyari. Pinatawag kami sa principal's office dahil sa "public display of affection" daw na ginawa namin ni Drae kanina. Nagkaroon kami ng warning for suspension. Nang malamang lasing si Drae na pumasok sa paaralan, doble ang nagiging warning niya. Hanggang tatlong palugit lang kasi iyan. Kapang makatatlong warning na, automatic nang suspended iyan for one to two weeks. Nakahinga na lamang ako nang maluwag nang pinalabas na kami ng principal. Pero, inatasan akong tulungan si Drae na makauwi. Hindi na raw papasukin si Drae ngayong hapon dahil lasing ito. Kaya napilitan akong ihatid si Drae. Tinawagan ko si Faith na kunin ang mga gamit ko sa classroom dahil uuwi na lamang din ako pagkatapos ihatid ang walanghiyang lalaking ito. Wala na rin namang pag-asa. Siguro kun