Chapter Thirty Three

1253 Words

GRADUATION DAY—ang araw na pinakaaasam ng lahat. Hindi ko maaalis sa aking mga labi ang mga ngiting hindi ko magawang pigilan. Bakas sa mukha ni Mama kung gaano siya ka saya. “Ako na naman ngayon, ’Ma. Makakapagpahinga na po kayo. Masusuklian ko na rin po ang mga pagsasakripisyo ninyo sa akin,” mahinang sabi ko kay Mama. Lumuluha siya. Walang ibang bukambibig kundi “Salamat, anak. Proud na proud ang mama sa’yo.” Bagay na ang sarap sa tainga at pakiramdam. Ngayon, suot-suot ko na ang toga ko. Maya-maya ay pupunta narin kami sa University para sa graduation ceremony. Magsisimula ito mamayang Alas-otcho ng umaga. Halo-halo ang pakiramdam ko; masaya, kinakabahan, kinikilig, na-e-excite, at nate-tense. Ewan ko na lang talaga. Pero hindi lang ang graduation day ang talagang centro ng utak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD