Chapter Two

1820 Words
ONE YEAR LATER Ngayong Grade 11 na ako ay nangako talaga ako sa sarili kong magbabago na, at magsusumikap na nang maigi sa pag-aaral. Balita ko ay hindi biro ang pagiging senior high school student. Kaya ngayon palang ay magiging porsigido na ako sa pag-aaral. “Sabi nang ayaw kong maging class president. Bakit ayaw niyong makinig?” pagpupumigil ko sa mga kaklase kong panay ang pagboto sa akin, bilang classroom president. First time ko itong mahalal bilang classroom president. Hindi ko talaga alam kung paano ko ito kakaharapin, kaya nag-aalala talaga ako. Senior highschool na ako, at hindi na ito madadaan sa biro. Nakakabaliw talaga kapag ang mga kaklase mo ay mga abnormal. “Hayaan mo na kase. Matalino ka naman at saka masipag,” komento ng isa kong kaklase. Tiningnan ko lang siya nang masama saka niya ako tinawanan. Aanhin niyo ang presidenteng matalino kung wala namang ambag sa lipunan? “Bahala kayo sa buhay niyo!” inis kong sabi. “Catalina, hayaan mo na. Tingnan mo, o. Binoto ka pa ni Papi Shin Harold mo,” pang-aasar ni Faith sa akin. Pasimple ko namang nilingon si Shin, sa bandang likoran ng room. Nakataas ang kamay niya habang nakangiti. Hindi ko naman maiwasang kiligin. Grade 9 pa lamang kami, nang makilala ko si Shin. At that time, he was a member of a basketball team in an amateur league in our school. Tandang-tanda ko pa dati, ang liit-liit niya pa noon, at ang payat-payat pa. Ngunit marami pa rin ang namamangha sa kaniya, dahil sa bilis niyang tumakbo at pagiging sharp shooter, lalong-lalo na sa pag-shoot ng three points. Whenever there is a school event, I always try to be there to cheer him on. Matagal na akong tagahanga ni Shin. Sinusubaybayan ko talaga siya, mula pa sa simula ng kaniyang pagsali sa basketball team, hanggang ngayon, na isa na siyang MVP. Sumasali na rin siya sa mga district meetings at provincial meets. Saksi rin ako sa kaniyang pag-glow up every year. Ang lakas talaga makatama ng puperty sa kaniya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na magkaklase na kami. Ito ang pangarap ko dati. Pero hindi na ako kagaya noon na sobrang halata kung umasta kapag nariyan siya. Ngayon ay nagiging matured na ako mag-isip, at naging mas seryoso na sa buhay. But, as always, marupok ako kapag tungkol na kay Shin ang usapan. Nabalik ako sa reyalidad nang ma-distract ako sa ingay ng room. Nilinaw ko ang paningin ko sa mga kaklase kong nakataas ang mga kamay na bumoto sa akin. Napasimangot na lamang ako. Wala na talaga. Finish na. “Final na. Si Catalina na ang class president,” anunsyo ng aming guro. Napabuntonghininga na lamang ako at nanahimik na lamang. Wala narin naman akong magawa. Pinalakpakan ako ng mga kaklase ko at napilitan ko na lamang na magpasalamat. Same process, ang ginawa nilang botohan matapos sa akin. Nagsimula na silang mag-elect ng vice president, secretary, hanggang muse. Napangiwi pa ako nang mapagtanto kong hindi pala naging class officer si Shin. Mukhang tumanggi rin siya nang iboto siya bilang prince charming. Bagay pa naman sana sa kaniya. Ngunit may rason naman din kasi siya. Half day lang and klase namin ngayon dahil may malaking event na gaganapin mamayang tanghali. Pero siyempre, hindi porket half day ay pwede na kaming umuwi at lumiban sa klase. Attendance is a must. Required pa rin kaming manood ng event. Bilang classroom president, kasama ko ang secretary ko sa paglilista kung sino ang present, pero hindi naman pumunta sa gymnasium at sino ang umabsent o nag-cutting classes. Kanina pa ako napipikon sa mga kaklase ko. Pati ang secretary ko, hindi naman ako tinulungan. Sumama pa siya sa mga barkada niya at nakikipagtilian pa sa tuwing nakaka-shoot ang mga natitipuhan nilang mga basketball players. Gustuhin ko mang panoorin ang performance ni Shin ay hindi ko magawa. Wala ako sa mood buong araw. Habang masaya ang mga kaklase kong nanonood ng laro sa gymnasium ay napagdesisyonan ko na lamang na tumambay at mapag-isa sa classroom namin. Nagpaalam ako kay Faith, in case hanapin ako ng adviser namin. Pinapaalam ko sa kaniya na may kukuhanin lang ako sa room. Siyempre, nagsisinungaling lang ako. Balak ko lang talagang tumambay at mapag-isa. Maraming estudyante ang mga nagsisiksikan sa daanan ko, kaya padabog akong bumalik sa puwesto ko kanina at mangibang-daan papunta sa room namin. Seryoso ko pa sanang bubuksan ang pinto nang bumungad sa akin ang pawis na pawis na si Shin at muntik akong atakihin sa puso dahil sa pagkagulat. “Saan ka galing? Bakit hindi kita nakita kanina sa laro namin?” seryosong saad nito. “Huh? Ano . . . naglilista kasi ako ng mga kaklase nating absent. Nandoon kaya ako. Natabunan lang siguro ng mga estudyante,” paliwanag ko. Mukhang hindi naman siya naniwala. “Kung gano’n, bakit nandito ka?” medyo irita niyang tanong. “M-may kukunin lang,” nauutal kong sagot. “Anong kukunin mo? Bakit hindi mo man lang binilisan?” sunod-sunod niyang tanong. Nangunot naman ang noo ko habang nakatingin sa kaniya. “Bakit ba? Ano bang kailangan mo?” nagsisimula na akong mairita. “Ikaw!” mabilis niyang sagot. “Huh?” “Sabi ko, ikaw! Ikaw, ang kailangan ko. Hindi kita makita kanina ayun tuloy, natalo kami,” inis niyang sambit. “Ano naman ang kinalaman ko roon?” tanong ko ulit. “Wala akong inspirasyon,” nakayukong sabi niya. Naguguluhan naman ako sa sinabi niya. But at the same time, hindi ko mapigilang mapangiti sa kailalim-laliman ng loob ko. “You are my inspiration, Bliss,” anito saka hinawakan ang kamay ko. Hindi ako mapakali. Pakiramdam ko ay sasabog na ako sa kaba, at siyempre, sa kilig. Ito na ba iyon? Ika-crush back na ba ako ni Shin? Ito na ba ang sinasabi nilang dream come true? “I like you, Catalina,” pag-amin ni Shin sa akin. Napaatras ako nang mariin nang marinig ko ang kataga niya. Saglit kaming napatahimik ngunit napagdesisyunan ko ring basagin ang katahimikan. Umamin din ako sa nararamdaman ko sa kaniya pati ang kung paano ko siya subaybayan simula noong Grade 9 pa lamang kami. Parehas kaming hindi makapaniwala na gusto pala namin ang isa't-isa, pero wala lamang nag-dare na umamin kaagad. Doon nagsisimula ang love story naming dalawa ni Shin. It was the first week of the school year in our eleventh grade when Shin and I became official. Time skips. Isang linggo ang lumipas mula nang maging kami ni Shin ay naging mas seryoso na ang takbo ng klase. Abala ang lahat sa mga paper works, reportings, assignments, at may role-plays pa. Kasalukuyang nakadukdok ang ulo ko sa mesa habang pilit na kumalma. Second week pa lamang ng pasukan bilang Grade 11 ay sunod-sunod na ang mga pinapagawa ng mga subject teachers sa amin. Pati si Faith na nasa tabi ko ay kanina pa nagrereklamo habang nakatingin sa mga notes na sinusulat sa pisara. Hindi niya talaga ugali ang pag-ti-take down ng mga notes, kaya kinukuhanan niya na lamang ng mga pictures ang mga notes ko, saka niya susulatin pagkarating na sa kanilang bahay. Bukod sa sunod-sunod na mga school works ay nandiyan din ang mga sunod-sunod na mga utos ng aming mga guro. “Nasaan ang president niyo?” halos mabibingi na ako sa kakarinig ng statement na iyan. Buti na lamang ay walang guro na nagbabantay sa amin ngayon. Nabanggit niyang mayroon kaming magiging bagong kaklase. Pero hindi pa iyon sigurado, kaya mas pinili ko na lamang na hindi muna tuonan ng pansin iyon. Tahimik lang ang lahat na nagsusulat sa kuwaderno, habang kinokopya ang mga nakasulat sa pisara. Marami rin naman ang hindi nagsusulat, ngunit sa part ko mas pinili ko na lamang ang magsulat. Natigilan kaming lahat nang dumating na ang aming adviser. May kasama siyang isang lalake at inaanyayahan niya itong pumasok sa loob at magpakilala. Naagaw naman ang atensyon ng lahat nang tuluyan na siyang pumasok sa room. Matangkad ito at medyo mas maputi kumpara kay Shin. Naka-complete uniform ito at medyo mataas nga lang nang kaunti ang buhok, kumpara sa required haircut ng mga boys sa school namin. Naka-eye glasses siya at nakatingin lamang sa sahig. “Don't be shy. Come, introduce yourself,” anang Guro. Tumango naman siya, saka pumagitna sa harap ng pisara. “Good morning. I am Drae Haven Garcia, nineteen years old. I was a former student of the ABM strand last year, but I dropped out. This year, I decided to switch strands, which is here, HUMSS,” nahihiyang pagpapakilala niya. Nangunot naman ang noo ng aming guro habang nakikinig sa kaniya. “Bakit ka huminto last year?” tanong ni Ma'am. “I felt too much pressure in there, and I am dealing with my grandmother’s death. I also realized that accountancy is not for me,” he explained. “Sigurado ka na ba dito sa HUMSS? Kayo diyan, baka may plano pa kayong mag-switch strand, meron pa kayo hanggang Friday para makapagdesisyon nang maayos,” paninigurado ng aming guro. Tumango naman si Drae bilang sagot. Pumuwesto na si Drae sa bakanteng upuan na inilaan para sa kaniya. Panay naman ang mga bulong-bulungan ng aming mga kaklase tungkol sa kaniya. Sari-sari ang emosyon ng iba. Mayroong natatakot, nawi-weirduhan, natatalinuhan, nasusungitan at mayroon ding kinikilig dahil sa paraan ng pananalita nito. Hindi ko namalayang nakatitig pala ako kay Drae habang nag-iisip nang makaramdam ako ng kakaibang tensyon sa likuran ko. Kaya agad akong napalingon kay Shin. Tama nga ang hinala ko dahil ang sama ng tingin nito sa akin. Ngumisi naman ako nang malapad saka binalik ang atensyon sa harap. Uwian na ngunit hindi pa rin ako pinapansin ni Shin. Kaya ako na mismo ang lumapit sa kaniya bago pa lumala ang tampuhan. Napangiwi pa ang mga kaklase ko habang nakatingin sa akin na nilalambing si Shin, sa loob ng classroom. “Ang laswa niyo tingnan, Pres,” anang kaklase kong tibo. Inirapan ko naman siya saka tinawanan. Ibinaling ko ulit ang atensyon ko kay Shin na kasalukuyang nakasimangot. “Sorry na. Naaliw lang ako kanina,” ani ko. Tumango naman ito saka sinundot nang bahagya ang tagiliran ko. “Bakit?” nagtatakang tanong ko. “Nagseselos ako,” aniya. Napangiti naman ako saka hinalikan ang pisngi niya. Matapos noon ay naging maayos na ulit kami. Second semester nang mapadalas ang pagliban ni Shin sa klase. During ber-months, nagsisidatingan talaga ang mga school activities niyan. There will be science fairs, quiz beez, poster, and slogan contests, at iba pa. Naging madalang na lamang kaming magkasama ni Shin, lalo na‘t kasama ito sa provincial meets, kalaban ang ibang mga basketball teams galing sa iba‘t-ibang paaralan ng Manila. Ibang-iba ang situwasyon namin ngayong senior high school, kumpara noong junior high school kami. Ngunit ganoon pa man ay nalalagpasan namin ang buong school year, na masaya, at punong-puno ng mga magagandang alaala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD