Isang umaga habang kumakain pa siya ng almusal, biglang tumunog ang kanyang cellphone at pangalan ni Ortega ang nakarehistro sa screen. Ano na naman kaya ang sadya nito sa kanya at ang aga-aga pa? "Yes, Ortega, napatawag ka?" "Did you check your email?" "Na naman? Hindi ako tatanggap ng kahit anumang trabaho na galing sayo. Nadisgrasya na nga ako noong huling assignment na binigay mo sa akin." Hindi niya binigyan ng pagkakataon na makapagsalita muli si Ortega. Pinatay niya ang telepono at nagpatuloy sa pagkain. Ngunit, muli na naman itong tumawag.. "Wait, gusto ko lang namang itanong kung natanggap mo ang invitation sa birthday ni Paloma Murillo?" "Paloma who?" Hindi niya kilala ang pangalang binanggit ni Ortega sa telepono. "Paloma Murillo, the woman who hired our services, Daniella'

