Pagdating niya sa bahay, ang pagmumukha ng kanyang madrasta ang una niyang nakita at tuluyang nasira ang kanyang araw. Pagod siya sa mahabang biyahe at si Paloma ang kahuli-hulihang tao na gusto niyang makita.
"Look, who's here. Saan ka ba nanggaling? Kamamatay lang ng ama mo pero gala ka ng gala." Sabi ni Paloma.
Inignora lang ni Daniella ang kanyang madrasta na nakasalubong niya sa hallway papunta sa kanyang silid. Kay aga-aga, nambubwisit na kaagad ito. "None of your business, Madam," sinagot niya ito bago tuluyang pumasok sa kanyang sariling silid upang magpahinga.
Hapon na nang magising si Daniella. Ni hindi man lang siya ginising ng kanilang mga katulong para kumain. Pagdating niya sa dining room, naabutan niya si Paloma na nagmemeryenda. Sa dinami-rami nila na nakatira sa malaking bahay, ang babae pa talaga ang naabutan niya?
"Mabuti at gising ka na. Kailangan nating mag-usap, Daniella." sabi ni Paloma habang pinahiran ng nutella ang hawak nitong wheat bread.
"As far as I'm concerned, wala tayong dapat na pag-usapan," pagmamaldita ni Daniella.
"Talaga? Oh common, don't be too hard on yourself. Narinig mo naman ang sinabi ng abogado di ba? "
"What about it? Na kailangan kong magkaanak upang mapasa-akin ang dapat na akin? You know it's absurd!" Totoo naman ang sinabi niya. Siya lang ang nag-iisang tagapagmana ng kanyang ama. Kung may share man si Paloma, konti lang iyon.
"Hmmm, malapit na kasi ang deadline. Handa ka na bang umalis mula sa bahay na ito?" Ayaw niya sanang patulan ang babae ngunit pinilit siya nito.
"Nope, ikaw dapat ang maghanda sa pag-alis Paloma. Not me," pinal ang kanyang pagsasabi kay Paloma. But deep inside, she prayed that she would get pregnant very soon and she hated her father for causing this trouble!
"Well see,” sumagot si Paloma.
Palaban si Paloma at Daniella. Bawat isa ay walang gustong magpatalo. Nagtaasan ng kilay ang dalawa habang sabay na nagmeryenda. Ang malaking bahay ay naging masikip para sa dalawang babae na hindi magkasundo.
"Ma'am, ipagpaumanhin po ninyo pero dumating po si Attorney." Inanunsiyo ni Patty na may bisita sila.
Sabay na nag-angat ng tingin sina Daniella at Paloma sa kasambahay na nagsasalita. Pagkatapos ay nagtinginan at sabay na tumayo.
"Where is he?" naunang nakapagtanong si Paloma kay Manang Auring.
"Pinatuloy ko po sa study room ni Sir Greg," nag-alinlangan pa nitong sagot na tila hinihintay ang pagbulyaw ng kanyang amo kung sakaling mali ang kanyang ginawa.
"Very good, Patty.” Sabi ni Paloma.
Umalis si Paloma at iniwan si Daniella na hindi pa nakahuma sa pagkagulat. Ano naman kaya ang sadya ng abogado at bumalik ito sa kanilang bahay. At bakit parang iba ang kanyang vibration sa muling pagbisita ni Attorney Elarcosa?
"It's good to see you, iha." Binati niya ang anak ni Greg.
Napansin ni Daniella na may iba sa expression ng butihing abogado ngunit hindi lang niya ma pinpoint kung ano iyon.
"Same here, Tito. So, how have you been? May nakalimutan po ba kayong sabihin sa amin ni Paloma?" she asked him.
"Maupo muna kayong dalawa," sabi nito na parang hindi makatingin sa mata.
Nang maupo na silang dalawa, mas lalong nag-iba ang mukha ng abogado na tila may mga karayom sa inuupuan nito.
"Is there something wrong, Attorney?" hindi na napigilan ni Daniella ang kanyang sarili na magtanong dahil nakakabahala na ang expression sa mukha ng abogado.
"Una sa lahat, gusto kong humingi ng paumanhin sa inyong dalawa. Nakakahiya mang aminin pero nagkamali ako sa pagbasa ng last will ni Greg." Pagpapaliwanag ng abogado.
"Please explain. Hindi ko maintindihan kung paano po kayo nagkamali," unang naka-move on si Paloma mula sa pagkagulat.
"Iyong last will na binasa ko ay ang first draft ni Greg. Ginawa niya iyon noong araw bago siya nagpakasal ulit. Hindi iyon ang kanyang official na last will and testament. In fact, dala ko ngayon ang original na papeles.” At saka niya kinuha mula sa kanyang attache case ang sinabi niyang papeles.
"Let me see the documents," sa wakas ay parang nagising sa katotohanan si Daniella.
"I'm really sorry, iha."
What's going to happen now? Paano kung iba ang nasa totoong last will ng kanyang ama? My God! Baka mapatay niya ang matandang abogado!
When the solicitor began reading her father's last will and testament, she prayed that there were no major changes in the entire document. Ngunit pagkalipas ng ilang minutong pagbabasa, hindi nabanggit ng abogado ang tungkol sa pagkakaroon niya ng anak upang mailipat sa kanyang pangalan ang mga ari-arian nito.
But still, she was shocked to the core upon knowing that everything belongs to her now. The most coveted mansion situated on a secluded beach which overlooked the best sea view in Oslob was transferred to her name.
Well, it was rightfully hers by birth but due to his father's remarriage to Paloma, she was not certain that she would get it. She saw how her father adored the beautiful and willowy Paloma Murillo.
The mansion was very special to her because it is the only property that has her mother's memorabilia. She could never hand it to her father's second wife regardless of any reason.
She also inherited the 800 hectares of working coconut plantation in Trinidad Bohol. Pero nang binanggit ng abogado kung magkano ang cash na minana niya, doon na nalaglag ng tuluyan ang kanyang panga. It was a whopping fifty million euros. Sinubukan niyang i-convert ito sa peso ngunit sumakit lang ang kanyang ulo. She didn't know that her father was super-rich. Nagsimula siyang maghinala na baka may illegal na negosyo ang kanyang ama. Droga kaya? Huwag naman sana…
"Congratulations, iha. Now, you can buy a Prince for a husband." kahit corny ang pagbibiro nito ay tumawa pa rin si Daniella ng hilaw.
Hindi pa rin siya makapaniwala. Ngunit may isang bagay na kanina pa niya gustong linawin mula sa matanda. "Iyong tungkol sa magiging anak ko, hindi mo yata nabanggit?"
"Ah, iyon? Your father was just joking that time, iha."
"Meaning?"
"Meaning, hindi na kailangan na magkaanak ka pa upang makuha ang iyong mana." Paglilinaw ng abogado.
"In fact, inasikaso ko na ang paglipat ng mga titulo sa pangalan mo. And for the cash, you now have a full access to it. Your father opened this account on the day that you were born." dagdag pa ng abogado habang ibinigay sa kanya ang isang pulang passbook.
Daniella didn’t give a damn at how much money she has in the passbook. She was deaf to all the good news and all she could think about was that one reckless night with a total stranger. Para sa mana ay gumawa siya ng bagay na pang habangbuhay ang konsekwensya.
Hindi lang reckless night iyon kundi isang bangungot! Nagkasala siya. Sa mata ng Diyos at tao, isa siyang maysala. And she knew very well that karma is a b***h!
"Iha, are you okay?" Napansin ng abogado ang biglang pamumutla ng dalaga habang nakatingin ito sa kawalan.
"Ye-s. Yes, I'm okay, attorney." she lied. How could she be okay after losing her chastity to a stranger?
"Bueno, I'll go ahead. Tawagan mo lang ako kapag may kailangan ka. Sames goes to you, Mrs. Reyes. I'm just a phone call away, alright?"
"Thank you, attorney." Ihinatid ni Paloma ang abogado sa may pintuan at nang tuluyan itong makalabas, bumalik siya sa loob ng study room at pinag-aralan ang kanyang stepdaughter.
Something bothered Daniella and her motherly instinct told her to talk to the young woman. "What's wrong?" she asked in a tone that is normally used by a mother when talking to her children.
"None of your business,” Daniella replied while her teeth were clenched.
Napakagat si Paloma sa kanyang pang-ibabang labi nang magmartsa palabas ang unica hija ng kanyang asawa. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya matanggap ni Daniella bilang pangalawang ina. Ano pa ba ang gagawin niya? Nagawa niyang iwan ang kanyang sariling anak upang tumayo bilang ina sa nag-iisang anak ng kanyang asawa. Siguro panahon na upang itigil na ang kanyang kahibangan. Kailangan niyang tanggapin sa kanyang sarili na hindi na sila magkakasundo pa ni Daniella. Siguro napapanahon na upang magsimula siyang muli kasama ang kanyang tunay na anak.
Kaya lang…
Daniella occupied a part in her heart and she couldn’t just leave right now especially when something bothered her. The only reason why she wanted to have full control of Reyes' fortunes was her strong desire to discipline her. And now that there were changes in the last will, she must find ways to accomplish her last mission as Daniella’s mother or she would disappoint her late husband.
At kapag magiging okey na ang lahat, magiging madali na para sa kanya ang lumisan at iwanan ito. She thought deeply about her strategies to win the young woman's heart when her phone rang.
"Yes, This is Paloma, speaking." Sabi niya nang sinagot ang tawag mula sa isang hindi rehistradong numero.
"Ma, kailan po kayo uuwi? Miss na miss na kita."
Nagtaka siya kung bakit nagpalit ng numero si Lilian. Noong isang araw lang ay nagkausap naman sila. "I miss you too anak. Pero kamamatay lang ni Greg at walang kasama si Daniella rito sa bahay."
"Puro na lang si Daniella ang inatupag mo, Ma. What about me? I also need you in my life!” Bahagyang sumigaw si Lilian sa kabilang linya.
"I'm sorry. Hayaan mo, babawi ako. Soon,” she promised.
"Lagi ka na lang ganyan eh, puro pangako na napapako!" Galit na sabi ni Lilian bago nito pinutol ang tawag.