Isang linggo na ang nakalipas simula nang sirain ni Marcus ang back door sa bahay ng mga Reyes. Nagawa na rin niyang i-disable ang automatic lock system sa lahat ng pintuan at bintana. Isang tawag lang kay Samuel at may solusyon na kaagad ang kanyang mga kinakaharap na problema. Katulad na lang ng kanilang annulment ni Daniella. He had all the forms already. Sa loob ng isang linggong pamamalagi sa malaking bahay, nakita niyang hindi mahirap mahalin ng sinumang lalaki si Daniella. Palabiro ito at napaka-vibrant. Madaling pakisamahan. At nasaksihan rin niya kung paano ito makihalubilo sa kanilang mga kapitbahay. Wala itong pinipiling estado ng pamumuhay. Likas na mabait ang dalaga. Tinulungan din niya itong mamili ng mga bagong estilo ng damit online. At siya na rin mismo ang nag-empake