LETICIA VIDA “The weather is so beautiful today... right, Krugen?” “Yeah.” Napa-ngiti ako sa tipid n’yang tugon. Naka-labas na kami sa hospital building. Tulak-tulak na ako habang naka-upo sa kinuhang wheelchair. Ang ganda sa pakiramdam dahil walang nangyaring pamimilit, kusa n’ya akong nilabas at nakikita n’ya namang nababagot ako roon sa loob na puro pader halos ang nakikita ko. Pero dito sa labas, I can enjoy the fresh air with the flowery scent in this garden. The scenery helps me to boost up my mood. Sabayan pa nitong may guwapo akong taga-tulak. “Ano, Krugen?” Saglit ko s’yang nilingon. “Kumusta ka riyan?” Naka-tuon lang ang buo n’yang atens’yon sa aming dinadaanan. “I am doing fine,” kamadong tugon n’ya habang nililibot namin ang malawak na garden area ng hospital. Binalik