LETICIA VIDA Marahan kong nilapat ang aking palad sa dibdib ko. Ramdam ko ang pag-vibrate ng balat kong dumadagungdong ang puso ko sa loob. Huminga ako ng malalim, para akong kakapusin sa pag-hinga. Naamoy ko ang perfume na ginamit ni Krugen, parang isusubsob ko na lang ang mukha ko sa likod n’ya. I am tempted to hug him from behind too. Sinasalo ni Krugen ang pagaspas ng ulan na unti-unti na s’yang nababasa. “Stay still behind me or else you will get wet.” “O-Oo, ‘wag kang mag-alala...” Napapakagat-labi talaga ako dahil gusto ko s’yang yakapin pero nababahala naman ako sa magiging reaks’yon n’ya. “Krugen... I am cold...” mahinang usal ko. “I will prepare some hot drink later, bear with it for a moment.” Lunok-laway na niliitaan ko ang distans’ya naming dalawa at unti-unti kong p