LETICIA VIDA “Oo, tatay ka, Krugen. Hindi kita pagbabawalan na mahawakan o makita ang anak ko pero alam mo na ang boundaries mo. Alisin mo ang masama mong balak,” seryosong sambit ko sa kan’ya. “I will wait for the divorce papers. Kahit nasa batas na nasa custody naman talaga ng nanay ang anak, alam kong magagawa mong baliktarin ‘yang batas na ‘yan pero s’yempre hindi pa rin ako papayag.” Huminga ako ng malalim at iniwasan s’ya ng tingin. Tinalikuran ko s’ya at tinititigan si Lexus na mahimbing na natutulog sa crib. “Kahit hiwalay tayo, hindi ko ipagkakait na makasama mo ang anak ko. Hahayaan kitang hawakan s’ya sa kahit anong oras na gusto mo. Huwag mo lang kalimutan ang bilin ko sa ‘yo, ‘yan ang hiling ko.” Hindi s’ya nagsasalita pero patuloy ko s’yang kakausapin. Sanay na akong g