LETICIA VIDA NAHAHAPO akong hinalughog ang buong bahay pero ni anino ni Krugen, hindi ko nakita. Doon ako nagmadaling lumabas sa mans’yon at tinanaw ang naka-bukas na gate doon sa dulo ng daanan. May pumasok bigla sa isip ko na baka umalis s’ya kaya nagmadali akong tumungo sa garahe at napagtanto kong wala nga roon ang itim n’yang kotche. Naiwan ang tatlong iba pang sasakyan. Napa-hawak ako sa sarili kong noo at padiin na binaba iyon sa likod ng aking ulo. Parang dudugo ang lower lip ko dahil kanina ko pa kinakagat. “Madame? Saan po kayo pupunta—“ Hindi ko pinansin ang isang maid, dire-diresto akong papasok sa loob ng elevator at bumalik ako sa loob ng aming kuwarto. Wala akong pakealam kung nandito pa si Krujer. Ang laman ng isip ko ngayon, si Krugen. Huminto ako sa tapat ng side tab