LETICIA VIDA “You get the wrong idea. I didn’t say that I needed one. It’s been a long time since I quit sculpting a woman's figure.” Nanlumo ako sa sagot n’ya sa ‘kin. “But boss! This is your chance to showcase your talent! I am very much willing to be your model!” Kinapalan ko ang aking mukha para lapitan s’ya. Tumigil ako sa tabi ng statwa banda at humarap ako sa kan’ya. Naka-tuon ang buo n’yang atens’yon na paguukit ng mukha nitong statwa. Magsasalita pa sana ako pero na-distract naman ako sa aking nasilayan. Lumunok ako ng mariin habang napapatitig sa mukha n’yang may namumuong pawis, sa may noo banda at tumutulo iyon sa kan’yang mga pisngi. He's so damn hot in this angle. “H-Hindi n’yo po ba ulit susubukan... gumawa ng statwa ng babae?” “No.” Huminga ako ng malalim. Sa s