CHAPTER 40 LETICIA VIDA NAHULI kong napapaiwas ng tingin ang soldier at maid na parang hindi nila malaman kung saan sila titingin. Sinalin koo naman ang buong atens’yon ko kay Krugen. Tinaasan ko s’ya ng kilay habang nagsisimula nang mangalay ang binti kong pilit na inaangat sa ere. “Come on don’t be shy and kiss my feet. Don’t pretend that this is your first time,” mariing usal ko. Pero lumipas ang halos isang minuto, hindi s’ya nakibo at kalmado lang akong tinititigan sa mga mata. Doon ko binaba ang paa ko. “Ayaw naman kitang pilitin ng bongga kaya umalis na kayo. Kakain ako kung kailan ko gustong kumain, naiintindihan mo ba?” Padiin kong binanggit ang aking boses at pairap na iniwas ang mga mata ko. Humiga ako sa kama at tumalukbong sa loob ng kumot. “I said, get out!” Hindi pa k