Dapat pa ba manatili kahit nasasaktan ka na? Dapat pa ba manatili kahit nahihirapan ka na? Dapat pa ba? ~ "Ma'am, are you okay?" Mabilis nyang tinago ang sketch pad nya at tumingin sa secretary nya. "Ayos lang." nakangiting sabi nya. Hindi sya makapag isip ng bagong design dahil sa problema nilang mag asawa. Ni hindi nga sya makakain ng maayos. Kesa naman mag stay pa sya sa bahay ay mas pinili nalang nya mag trabaho. Hindi nya alam kung paano sisimulan ang araw n'ya kung walang Gabriel na aantabay sa kanya. Sobrang nasanay sya sa bawat araw na kasama ito at ito din lagi ang nag sisimula ng umaga nya. "Gusto ko po ipaalala sa inyo na kailangan n'yo na pong kumain." Napatingin sya sa cellphone nya at mabilis nyang kinuha 'yon. "Kakain ako. Saglit lang." Mabilis n'yang sinagot ang ta