Nang matapos ang gabing 'yon ay mas naging sweet sa kanya si Gabriel, halos ito na din mag paligo sa kanya at gabi gabi nalang ito nag lalambing sa kanya. Madalas din nito hawak ang kanyang cellphone at wala naman syang magawa kundi hayaan nalang ito. "Buti nalang di tumatawag yung Buds na 'yon." tinaasan nya ito ng kilay. "Lakas mag paselos non. Kung hindi mo lang kaibigan 'yon baka nasuntok ko na 'yon." "Hayaan mo na nga 'yung tao, Gabriel." natatawang sabi nya. "Hindi tayo tropa sabi e! Mag asawa tayo, mag asawa tayo!" natawa nanman sya ng mahina sa kakulitan nito. Bawat araw na natatawag nya ito sa pangalan ay laging sinasabi nito na 'hindi tayo tropa'. Minsan sinasadya nalang n'ya dahil sa kacutan nitong taglay. Nasanay na sya sa nararamdaman nya, ang pag t***k ng puso nya sa tuw