ILANG linggo na ang lumipas mula nang dinala si Gianne ng kanilang president sa lugar na iyon. Sa mga nakalipas na araw ay hindi na niya ito nakita pa. Ayaw naman niyang magtanong at baka kung ano pa ang isipin ng mga staff sa kanya. Ang kanilang chairman ay naka-schedule na ang lipad patungong Europe. Ngayon na sa Dubai siya nakabase ay mapipilitan siyang manirahan dito. Matatagalan bago niya makita ang mga anak at naiinis talaga siya sa nangyayari. Hindi naman niya magawa na salungatin ang utos ng abuelo. Simula ng mawala ang kapatid niya ito ang nagpapatakbo ng mga kompanya. At sa edad nito dapat matagal nang retiro at nag rerelax na lang sa buhay. Kaya bilang apo, dapat akuin na niya ang responsibilidad. Mas mahirap kapag nagkasakit pa ang lolo niya lalo siyang mahihirapan. Minabuti