SA dalawang taon ni Cassandra sa kompanya ng abuelo, she’s totally moved on. Jade Angelo is six years old and Harry is twelve years old. Masaya na sila sa buhay nila sa Germany. Natanggap na niya na isa siyang single mom sa dalawang anak. Kung noong una laging siyang umiiyak at nasasaktan. Pero mula nang pasukin niya ang paghawak ng mga negosyo natuto siyang lumaban sa mga problema at naging matatag siya sa bawat pagsubok na dumarating sa kaniyang buhay. Tama ang kasabihan na; sa tuwing nasasaktan at dumaranas ng mabigat na problema ay natututo at nagiging matatag ang isang tao. Ngayon kaya na niyang harapin ang lahat kung dati iniiyakan niya pero ngayon tinatawanan na lamang. Isang umaga kinausap siya ng abuelo. “Cassandra, kailangan mong magtungo sa Dubai dahil may mahalagang tao