ISANG buwan na ang nakalipas magmula ng kunin ni Harry ang anak sa bahay ni Sovella. Ngunit hanggang sa mga oras na yon hindi na ito nagpakita sa kanya. Gano’n na ba talaga kawalang halaga dito ang anak nila at natiis na hindi makita? “Boss H, may dala akong balita.” “Ano yon at tungkol saan?” “Ang bahay ni Ms. Sovella, na pinuntahan natin sa tabi ng ilog ay for sale included lahat ng gamit ay kasama sa bentahan, ang sabi ng caretaker; 30-milyon pesos ang halaga.” “Kung totoo ang sinasabi mo ibig sabihin wala na doon si Sovella?” “Wala nang tao doon magmula ng araw na kinuha natin si Little Master Lotus. Nang gabi din daw na ‘yon ay nilisan ni Ms. Sovella ang bahay na yon. Tanging caretaker ang pwedeng makausap ng buyer na nagnanais bumili ng properties.” “Alamin mo ang buong detalye