“BOSS, nasa VIP room po ang magkapatid. Maya-maya lang ay magigising na ang mga iyon.” pagbibigay alam sa kaniya ng tauhan. “Sige, ako na ang bahala sa kanila. Ang mga pinapagawa ko sa inyo, maayos na ba?” “Yes, boss.” “Okay, you may go!” taboy niya dito. Maingat na pumasok si JM sa room kung saan natutulog ang mga anak. Nakaramdam siya ng pangamba dahil matagal na niyang hindi nakita ang magkapatid. Lalo na ang kanyang bunso. Sigurado siyang maggigiyera silang dalawa nito. Una niyang nilapitan ang anak na panganay. Hindi niya napigilan at agad niya itong niyakap saka hinalikan sa ulo. Miss na miss niya ang mga ito walang tamang salita upang mailarawan niya kung gaano kalaki ang kaniyang pangungulila. “D-Daddy?” Kahit naalimpungatan si Harry ay agad itong yumakap sa kanya. Dama ni JM,