PALAPIT pa lang si Harry sa kinakapatid ay agad na itong sumalubong sa kanya. Kaya mabilis siyang umiwas dahil alam na niya ang gagawin nito. “Ang daya mo bakit ganyan ka sa akin? At sa aking palagay alam ko na kung bakit; nilason ng babaeng yon ang isipan mo, huh!” nakasimangot na pahayag ni Emarynne. Malakas na sampal ang ibinigay dito ni Harry, nakita niya ang pagkabigla sa mukha nito. Marahil hindi inaasahan na gagawin niya ang saktan ito. “Lahat ng pambabastos mo sa akin ay kaya kong palampasin pero hindi ang ginawa mo sa asawa ko at pagbabanta sa aking anak!” galit na sigaw ni Harry sa kanyang kinakapatid. “Ano ba ang nakita mo sa babaeng yon samantalang mas nakakaangat naman ako sa kanya?” may pagmamalaki na pahayag niya kay Harry. “Huwag mong ikumpara ang pagiging b*tch mo sa a

