MANSION Montemayor, hindi inaasahan ni Sovella, naroon si Harry at kapatid nitong si Mr, Jade Angelo. Hindi siya halos makakilos pakiramdam niya ay nakamasid sa kanya ang bawat miyembro ng pamilya ni Harry. Mayaman siya dati pero hindi ganito na puro luxury ang nakikita sa paligid. Hindi niya maiwasan mailang lalo pa at asikaso na asikaso siya ng Senyora Cassandra. Imposible na walang alam ang mga ito sa nangyaring hiwalayan nila ni Harry. Upang makaiwas na hindi mahahalata ng mga tao sa paligid ay naglalakad lakad na lamang siya. “Halika ililibot kita dito sa mansion.” lumingon siya ng marinig ang sinabi ni Harry. At hindi niya nagawang tumutol nang iginiya siya nito sa paglalakad. “Ang sila ang great grandfather and great grandmother. Sila ang twin’s chairman, Lance and Lander, sa t