SA halip ay pinunit ni Harry ang resignation ni Sovella. Kung aalis man ang babaeng iyon dapat tapos ang kontrata. Ano yon gano’n lang pagkatapos ng lahat? Kuyom ang kamao niya ng lumabas sa connecting room na kinaroroonan ni Sovella. Samantala hindi makapaniwala si Sovella, kung bakit ginawa iyon ng chairman. Ayaw siya nitong hayaan umalis? At unti-unting nakaramadam siya ng pangamba. Pagkukunwari lang ba ang pinapakita nitong kabaitan? At ang totoo may plano ito na maghiganti sa kanya? “Deserve mong dumanas ng hirap, pagkatapos ng mga ginawa mo sa kanya kaya nararapat lang na maramdaman mo rin ang sakit” panunuya ng kanyang isipan. Nagpatuloy siya sa pagtatrabaho, at sa paglipas ng mga araw nadagdagan narin ang responsibility niya. Kagaya na lang ngayon pumasok ito sa kinaroroonan niya