PAGKAGULAT ang nasa mukha ni Sovella, nang ipinakilala siya bilang bagong CEO ng Asian JM-Montemayor Electronics Manufacturing companies. Hindi lang ‘yon na reveal din ang tunay na relasyon niya kay Chairman JM, kung bakit malapit sila sa isa’t-isa. Kaya ang lahat ng mga empleyado na gumagawa ng isyu laban sa kanila ay napahiya. Maraming bumati kay Sovella, pinaka una na ang dalawa niyang kaibigan. “Deserve mo naman yon kaya masaya kami para sayo,” wika ni Atty. Gerlie Gonzales. “Salamat. Gei.” Saka masayang yumakap sa dalawa. “Ang mga hirap at pagtitiis mo ay heto ang kapalit,” ani Detective Arenna Marasigan. “Thank you sa inyong dalawa at nakarating kayo. Sino pala ang nag imbita sa inyo dito? “Si Mr. Harry, tapos sinundo kami ni Mr. Jade Angelo.” sagot ni Atty. Gerlie Gonzales.