Chapter 30 Nagmulat ng mga mata si Bella at asawa niya ang nabungaran niya ng tingin. Nasa labas ito ng kwarto at naninigarilyo sa balkonahe. He's only wearing her pajama and no shirt at all. Malayo ang tanaw nito at parang hindi niya kayang abutin. Himala. Wala siyang morning sickness nang araw na iyon at hindi sa banyo ang diretso niya. She smiled while staring at Eon’s back. Ano kayang iniisip ng asawa niya? Asawa… Hindi pa rin siya makapaniwala na asawa na niya ito at ganap na siyang Elizares pero paano kung totoo ang sabi na babalik si Anica? Diyos ko. Paano iyon mangyayari? Tumayo siya at lumapit sa pinto ng balkon na nakasara. Gusto niya sanang buksan iyon kaya lang ay baka malanghap niya ang usok, makasama sa baby niya. Lahat ng klase ng pag-iingat ay ginagawa niya para