Hindi makalimutan ni martha ang halik na pinagsaluhan nila ni Calix kanina. Pakiramdam niya hangang ngayon ay ramdam padin niya ang init ng mga halik nito.. Kanina pa sila hindi makatingin sa isat-isa.. Para silang mga teenagers na nag iiwasan ng tingin.. Pasimple niya itong tinignan habang naka-upo siya sa sofa kung saan kasama niya ang mga mababait na katulong ni Calix. Kumakain pa sila ng popcorn at nanunuod ng Movie. Ganito lang daw ang ginagawa ng mga katulong sa bahay ni Calix.. Parang sariling bahay na din nila ang mansyon. Ang bait niya naman.. Nag-iinuman ito kasama ng mga body guards. Pero Red wine lang ang iniinum ng mga ito. Napakamasayahin palang tao ni Calix.. Nakangiti kasi ito habang masayang nakikipag inuman sa mga body guards nito. Kung tutu-usin bihira lang ang