Isang Linggo ang mabilis na Lumipas. Wala pa din tawag o text man lang si Calix kay martha.. Panay ang text ni martha kay Calix pero hindi ito nag rereply kahit isang beses. Tinawagan ni martha si Manong Berting at sinabi nitong masaya ito kasama si Analiza!!! Kaya hindi na siya nito narereplyan! Lagot ka sakin Calix! Kakadating lang ni Martha sa Cebu.. Bumalik siya sa Cebu upang harapin si Calix. Hindi ba siya namiss nito?! "Kuya Lando.." Kaway ni Martha kay Lando dahil sinundo siya nito sa Airport. Todo ngiti naman sakanya ang body guard na ito. Apat na body guards ang kasama din nito sa pag sundo sakanya "Maam Ganda sabi ko na nga ba at babalik ka dito" Binuhat na ng mga ito ang dalawang bagahe niya "Siyempre Namiss ko kayong lahat. Alam mo bang Hindi ako pinapansin ng Boss niyo!