"May I know your name?" Tanong ng lalake na aking kasayaw.
"Jane po" sagot ko na ang mga mata ko ay nakatuon kila Sir Fred at Kay Master. Hindi ako mapakali at di ko naiwasan ang kabahan, nakita ko kasing ang talim talim ng tingin sa amin ni Master. Hindi kalayuan ang pwesto ko mula sa aking amo kay kitang kita ko kung paano niya inubos ang wine ng isang lagok lang.
Sa mukha palang ng aking amo ay parang may mensahe siyang gustong iparating. Lagot ka mamaya, pag-uwi natin!.
"Ouch!"
"Sorry" paumanhin kong sabi na naapakan ko na pala ang paa ng lalake.
"It's okay. By the way I'm Nathan" pakilala nito sa sarili na wala naman sa isip ko na alamin pa ang tungkol sa kanya. Gwapo siya maganda ang pangangatawan pero ang mga kamay niya ay parang malikot, gumagalaw kasi pataas at kaunti nalang ay mahahawakan niya na ang aking dibdib.
Bastos siya, hinihipuan na niya ako. Muli kong tinapakan ang kanyang paa kunwari ay di ko sinasadya.
"Ouch!" Ngiwing sabi nito at pilit na tumawa.
Buti nga sayo.
"Sorry sorry" sabi ko ulit pero ang totoo gusto ko pang tapakan ng madiin ang paa niya para magtanda.
"Let' seat. Baka di na ako makalakad nito mamaya" biro niya at pilit na ngumiti.
Lumakad kami pabalik sa aking upuan. Nakalapat ang isang kamay niya sa aking likuran na palagay ko'y pasimple niyang hinahaplos ito. Ang akala niya siguro hindi ko nahahalata ang pananantsing niya kaya pasimple kong siniko ang kanyang tiyan pag baling ko sa kanya.
"Ouch!"
"Bakit?" Kunwari di ko alam.
"Nasiko mo ako. But that's okay. Anyway thanks for the dance". Nakita kong ngumunguso na ang kanyang bibig at papalapit sa aking mukha kaya ang ginawa ko ay humakbang ako paatras na siya naman ay kumunot ang noo saka nagpamulsa.
Dismayadong dismayado na nangingiti ang kanyang itsura.
"Thank you din po" sabi ko at nag-bow. Hindi ko na siya hinantay magsalita dahil mabilis akong bumalik sa mesa kung saan nandoon ang aking amo at si Sir Fred.
"Tapos na iha? Ang bilis naman yata" tanong ni Sir Fred na di alam ang nangyari.
"Opo Sir Fred, masakit na daw ang paa niya" sabi ko at ngumiti.
"Panay siguro ang tapak mo?" Biro nito saka tumawa. Lumapit muli sa akin si Sir Fred at bumulong. "Jane yung dalawang babae na malapit sa pwesto natin ay panay ang tingin dito. Tiyak ko si Master ang pinag-uusapan nila."
"Sir Fred baka naman type nila si Master".
"Parang hindi iha, kasi narinig ko kanina na parang iniinsulto nila si Master. Narinig ko pa na sinabi nung isang babae may lumpo daw tayong kasama."
Bigla naman akong lumingon sa aking amo. Tahimik lang ito pero alam kong naririnig niya kami ni Sir Fred. Ilang segundo lang ay sinalubong niya ako ng tingin. Habang nakatingin ay lumagok siya ng wine. Agad kong iniwas ang mata sa kanya at kasabay din nito ang pag-init ng aking pisngi. Mukhang may epekto na ang wine na ininom ko kanina.
"Teka, bat ka namumula Jane?" Wika ni Sir Fred.
"Sir Fred epekto po siguro ng wine."
"Muka nga, maputi ka pa naman kaya halatang halatang namumula ka."
"He's handsome and hot pero hindi ko gugustuhin yan. Ano na lang ang gagawin namin sa bed? Magdadasal? My god!" Sabi nung isang babae.
"Mars, you will be on top and do the ride" wika pa ng isa saka tumawa. Narinig naming tatlo kung paano nila insultuhin ang aking amo. Nilingon ko ang dalawang babaeng nag-uusap. Tumaas ang kanilang kilay at nagkrus ng mga braso. Ilang sandali pa ay muli silang tumawa.
Di ko naiwasan ang pagkainis kaya nilakasan ko din ang aking boses. "Sorry pero di papatol sa inyo si Master. Mayaman nga mukha namang walang good manners." Pagtataray ko sabay krus ng aking braso saka umirap sa dalawang bruha.
"Jane, psst" saka sumenyas si Sir Fred na itikom ang aking bibig.
"Sir Fred parang gusto kong manampal ngayon," lakas loob kong sabi at yung dalawang babae ay nagkatinginan. Mayamaya lang ay umalis sila sa kanilang upuan. Akala siguro nila di ko totohanin ngayon pang nakainom na ako, parang tumaas ang self confident ko.
Bumungisngis ako ng tawa saka nilingon si Sir Fred. "Okay lang yan Sir Fred. Para alam nilang hindi lahat ay kaya nilang insultuhin".
Pailing iling na ngumiti si Sir Fred saka nagsalita. "Master mukang lasing na si Jane"
Bumaling ako sa aming amo saka kinuha ang tubig at ininom iyon. Ramdam kong pinagpapawisan na ako na lalo pang nadagdagan dahil nakatitig siya sa akin. Tinititigan niya yata ang leeg ko habang ako'y lumalagok ng tubig na sa totoo lang gusto kong iluwa pabalik. The way he stare at me is like killing me with his fearless eyes.
"Dapat pala di ka uminom ng wine, aba'y kaunti lang eh nalasing kana" sabi ulit ni Sir Fred.
"Hindi naman masyado Sir Fred. Malinaw pa rin naman ang paningin ko." Saka lalong dinilat ang aking mata dahilan para tumawa si Sir Fred ngunit ang aming amo ay nanatiling tahimik at nakikinig. Bumaling ulit ito sa singer na kumakanta doon sa stage. Lalake naman ang kumakanta doon at jazz music ang kinakanta nito.
Mayamaya ay tumayo ako upang pumunta ng c.r., Muntik pa akong mawalan ng balanse mabuti at nakahawak ako agad sa upuan.
"San ka pupunta?" Tanong ni Sir Fred.
"Mag-c-cr lang po. San po ba ang c.r. dito?"
"Ayun iha," saka tinuro ang daanan kung saang may mga bisitang lumalabas at pumapasok. "Teka kaya mo ba? Mukang matutumba ka"
"Oo naman Sir Fred." Sabi ko at lumakad papuntang c.r. kahit pa umiikot na ang aking palagid.
Wine lang ininom ko pero ganito na epekto sa akin. Paano na kaya kung inubos ko yun siguro walwal talaga ako nito.
---------------------
"Fred, is she okay?" Nakatitig ako kay Jane habang lumalakad ito papunta sa ladies comfort room.
"Mukang hindi po yata" sagot ng aking butler.
Itinaas ko ang kamay na agad namang nakita ng aking dalawang bodyguard na di kalayuan sa pwesto namin.
"Bantayan niyo si Jane, she's in the comfort room." Utos ko nang makalapit ang mga ito.
"Yes Master" sagot ng dalawa saka pinuntahan si Jane. Pumuwesto ang dalawang bodyguard doon sa may entrance ng comfort room at hinintay si Jane na lumabas.
Nakita ko ang pagtataka sa mukha ng aking butler. At mayamaya ay di na nito napigilan ang magsalita. "Master, are you concern with your caregiver" sabi niyang makahulugan.
Umismid ako. "Fred I'm not asking your opinion. See that guy?" Saka itinuro ang lalake na palingon lingon sa paligid habang papasok ng c.r.
"Yan yung kasayaw ni Jane kanina".
"Yeah, and it's seem that he's planning to do something. Base on what I saw a while ago. He's tryin to touch her. I was surprised na marunong makiramdam si Jane." I said and drink the wine on my glass.
"Master nakakarami kana ng wine. Pinapaalala ko lang masama ang sobra". Saway ng aking butler.
"I know, I know. Let's wait Jane then umuwi na tayo, I dont like the ambiance here" ani ko.
"Masusunod po"
-----------------
"Lasing kana" sabi ko sa sarili habang nakatingin sa salamin na halos kasing laki ko. May pailan ilan na mga babaeng pumapasok dito sa ladies room. Yung iba lasing na dahil susuray suray na sa paglalakad, yung iba naman ay abala sa pag-aayos at naglalagay ng kanilang make-up.
Paglabas ng babae sa may pinto ay agad akong pumasok para mag wiwi. Pati c.r. napaka sosyal awtomatic kasi itong nagflash.
"Sosyal" sabi ko doon sa toilet habang nangingiti. May tama na talaga ako dahil sa wine na isang beses kong ininom.
Bago lumabas ng c.r. ay muli kong tinitigan ang aking sarili sa salamin. Kinuha ko ang face powder sa aking purse at nire-touch ang aking make-up. Binawasan ko din ang pagka pula ng aking labi gamit ang tissue.
"Okay na" ani ko. Palabas na ko sa may pinto ng biglang bumukas iyon. Isang lalake ang pumasok at pangisi ngisi na tinitigan ako.
"Jane" sabi niya saka kinagat ang ibabang labi.
Wala talaga siyang kadala-dala gusto talaga niyang masaktan. "O ikaw pala" sabi ko. Nathan yata ang pangalan niya.
"Can I get your number?"
"Wala akong number."
"Impossible. You have you phone right?"
Umiling iling ako at pasimpleng umatras ng hakbang. "Wala din akong cellphone". sabi ko saka hinawakan ko ng mahigpit ang purse kong hawak. Ako na lang ang natitirang babae dito sa c.r. kaya palagay ko na may gagawin siyang hindi maganda. "Ladies room ito. Bawal ka rito" wika ko ulit ng makitang lumakad siya papasok.
"Ok lang yan, pwede naman tayo sa cubicle mag-usap." Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa saka humawak sa kanyang baba. Ang laswa. Parang pinagnanasaan ako dahilan para mag umpisa na akong kabahan.
"Saan ka pupunta?" Muling niyang sabi ng makitang humakbang ako sa pintong isinara niya. Bigla niyang hinawakan ang aking kamay at hinatak ako pabalik.
"Bitawan mo ko!" Sigaw ko saka humawak sa may door knob ngunit di ko nabuksan. "Tatamaan ka talaga sa akin!" Sinipa ko siya doon gitna ng kanyang mga hita kaya napabitaw siya sa pagkakahawak.
"f**k! Ouch! Son of b***h!" Nangingiwi ang kanyang mukha habang nakahawak sa kanyang pagkalalake.
Umismid ako at umayos sa pagtayo. Kitang kita ko ang pagpula ng aking kamay dahil sa higpit ng pagkakahawak niya kanina. Napansin kong muli siyang lalapit kaya muli ko siyang sinipa doon naman sa kanyang sikmura. Tila may sumanib sa akin na masamang kaluluwa nung oras na iyon kaya sunod sunod na pagsipa ang ginawa ko.
"Loko ka! Kala mo kaya mo ko! Tinuruan ako ni tatay kung paano lumaban sa mga m******s na kagaya mo! Hayop ka!"
"Ouch! Tama na! Enough!" Sabi nito habang nakahawak naman sa kanyang sikmura at unti unting napahiga. Sinalo niya bigla ang aking paa kaya bago pa niya hatakin iyon ay sumigaw na ako.
"Tulong! May r****t!". Inabot ko ang door knob at pwersahang binuksan iyon. Nakita ko ang dalawang bodyguard na nasa pinto nakatayo. Bigla silang pumasok at tinanggal ang kamay ng lalake na nasa aking paa.
"Bitawan mo si Ma'am Jane" sabi nung isang bodyguard at pumorma na susuntok sa lalake. Binitawan niya ang aking paa at dahan dahan tumayo habang nakahawak sa kanyang sikmura.
"b***h!" sabi niya sa akin na masama ang pagkakatitig.
"b***h your face!" di ko napigilan ang lumapit at bigyan siya ng malakas na sampal. Tumagilid ang kanyang mukha at pumula. Mapait siyang ngumiti at muli niya akong binalingan masamang tingin.
"It's better if you shut up" sambit ng isang bodyguard at hinawi nito ang coat sa tagiliran dahilan para makita ko ang baril na nakasuksok sa bewang nito.
May mga babae nang nasa labas ng pinto at nanunuod sa amin kaya bago pa dumami ang nakikiusyoso ay lumabas na ako. "Tara na" ani ko sa dalawang bodyguard na awtomatikong sumunod sa aking likuran. Hindi ko na nilingon ang lalake pero ramdam na ramdam ko ang matalim niyang mata na nakatuon sa akin.
Pagbalik ko sa aming mesa ay sumenyas ang aking amo sa dalawang bodyguard upang umalis. Hindi maalis ang tingin sa akin ni Sir Fred ganun din ang aking master, marahil ay nahuhulaan na nila ang nangyari.
"Jane may anong nangyare?" tanong nito pagkaupo ko.
Hindi ko naitago ang pagkainis na sinabayan ko ng pag-iling. "r****t yata yung nakasaway ko kanina. Hayop siya. Kala niya siguro easy girl lang ako. Peste!" di ko napigilan ang aking bibig dahil sa inis. Wala sa sariling kinuha ang baso at ininom iyon hanggang sa naubos. "Nakakainis siya, kulang pa ang ginawa ko sa kanya dapat sinuntok ko pa siya para magtanda." inis ko at mahigpit na hinawakan ang baso hindi ko na alintana kung marinig nila ang sasabihin ko.
"Jane wine yan!" biglang sambit ni Sir Fred. Gusto ko sanang iluwa pero wala na. Naubos ko na lahat. Parang nag-iba ang lasa, kung kanina ay mapait at mapakla ngayon ay matamis na. Ipinahid ko ang aking palad sa labi saka nilingon si Sir Fred.
"Akala ko po Juice, ang tamis po kasi" sabi ko at pangiti ngiti sa kanya at sa aking amo.
"Patay, lasing kana iha," sambit nitong pailing iling.
Ilang segundo lang ay naramdaman kong umiinit na ang aking pisngi pababa sa aking leeg hanggang sikmura. Unti unting umiikot ang aking paligid dahilan para pumikit ako sandali.
"Let's go home."
"Mabuti pa nga Master." sambit ni Sir fred na medyo malabo na ang kanyang mukha sa aking paningin.
_________________