Niyakap ko si Nanay nang mahigpit at pagkatapos ay niyakap ko din si bunso na nasa kanyang tabi. Maluha luha pa ang mata ni bunso ng hinarap ko siya. Siya siya umiyak pero panay ang paghikbi niya. Hindi ko tuloy mapigil ang aking sarili na hindi malungkot. Aalis na kami at hindi ko alam kung kelan ulit ako makakabalik. "Anak tumawag ka pag nakauwi na kayo mamaya" bilin ni Nanay saka iniabot sa akin ang malaking topper ware na may lamang talangka. Tumango ako kay nanay nang may lungkot sa aking mga mata. Lumapit ako kay tatay at nakita ko ang pilit niyang ngiti. Niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan ang aking ulo. At ilang sandali pa ay di ko na napigil ang aking luhang kanina pa gustong kumawala. "Tay mag-iingat kayo ni Nanay. Bibisita po ulit ako" wika kong pilit na pinipigil ang