Madaling araw ako gumising dahil ngayon daw ang dating ni Madam Elizabeth. "Alas kwatro palang, tamang tama maaayos ko pa yung mga grocery items na dumating kagabi" wika ko saka bumangon upang maligo pagkatapos ay nagmadaling nagbihis ng aking uniporme. Marahan kong binuksan ang pinto upang di makagawa ng anumang ingay. Pagbukas ay patingkayad naman akong lumabas, isinira ko ito ng marahan ng bigla namang bumukas ang pinto sa kabilang kwarto. Ang pinto ng kwarto ni Master Achi. Master?. Hindi ko naiboses dahil agad siyang lumingon sa akin. May pagtataka sa kanyang mukha kaya inunahan ko na siya kung ano man ang kanyang sasabihin o itatanong. "Ma-ma-master, ano po-- kasi aayusin ko pa yung grocery na dumating kagabi, tapos magluluto po ako ng agahan, baka po kasi darating ng maaga si Mad