Kanina pa tawa ng tawa si Sir Fred habang nagkukwento ng kabataan ni Master Achi. Lihim kong tinitignan si Master naghahantay ako kung magagalit siya kay Sir Fred pero parang hinahayaan niya lang ito. Marahil ay okay lang na marinig ko ang kwento nito nung siya ay nag-aaral pa.
"Alam mo ba Jane, halos araw araw tumatawag yung Amanda na yun dito sa bahay. Paano ba naman kasi hinalikan siya ni Master. Nagayuma siguro kaya patay na patay kay Master" kwento nito habang tumatawa.
"Ah eh" wala akong maisip na sabihin habang nakikinig ng kwento ni Sir Fred. Ano ba naman ang alam ko. Eh nung nag aaral ako noon bahay at eskwela lang ako. Ni magkaroon nga ng crush di ko naranasan. Halik pa kaya.
Wala sa sariling tinitigan ko ang aking amo. Magkaharapan kami kaya mukha niya agad ang nakita ko. Hindi ko alam kung bakit biglang bumilis ang pintig sa dibdib ko. Si Sir Fred lang ang nagsasalita pero nabibingi ako marahil ay lalong lumalakas ang kalabog sa dibdib ko habang nakatitig sa aking amo. Nakatingin ito sa kanyang pagkain at tahimik na ngumunguya.
Di ko naiwasan na tignan ang kanyang labing nakatikom gumagalaw na parang pakiramdam ko ako yung pagkain nginunguya niya na sa totoo lang gusto kong magpakain ng buhay.
"Tapos Jane, nung nalaman ni Madam Amelia na hinalikan ni Master ang schoolmate niya ay natuwa pa ito." Dagdag ulit nito at muli na namang tumawa.
Tanging paglingon kay Sir Fred ang aking tinugon at muli kong binalik ang tingin kay Master Achi. Nagpatuloy pa ito sa pagkukwento habang kami ay kumakain.
"Ang sabi ni Madam Amelia kay Master Achi. Sana sa susunod may ipakilala na itong nobya sa kanya. Pero hanggang ngayon ni anino ng babae hindi niya nagawang iuwi dito" sambit na naman ni Sir Fred.
"Fred, tama na yan nakakahiya sa kaharap ko" biglang sabi ni Master at saktong nagkatitigan kami.
Nakakahiya sa kaharap niya? Eh ako lang naman ang kaharap niya. Ibig sabihin nahihiya siya sa akin?!
Parang umeecho sa isip ko ang sinabi ng aking amo. Pigil na pigil ang ngiti ko at itinuon na lang ang aking tingin sa pagkaing nasa harapan ko
"Pasensya na Master, masaya lang kasing alalahanin iyon. Atleast nalaman ni Madam Amelia na tunay kang lalake" biro ni Sir Fred
"Fred, I'm straight." Sagot ulit ni Master na di ko napigilan na tumingin sa kanya.
Tanging pagkurap ang aking nagawa habang nakatitig kami sa isa't isa. Hindi ko natagalan ang pagtitig kaya yung pagkain na nasa pinggan ko at mabilis kong inubos pagkatapos ay inubos ko rin ang isang basong tubig.
"Tapos na po ako" sabi ko at tumayo. Nakaramdam ako ng pagkailang marahil ay hindi ako sanay na tinitignan ni Master nang ganun katagal. Iba ang pakiramdam, hindi ko ma-idescribe pero yung kaba ko ang bilis bilis na halos paghinga ng malalim ang aking nagawa nung tumalikod ako upang lumapit sa may kitchen sink.
"Master kamusta pala yang kamay mo? Napapansin ko naigagalaw mo na yan matagal. Mukang magaling yung therapist na ni-recommend ni Doc"
"I think so, with the help of Jane. Siya ang laging tumutulong sa akin na igalaw itong kamay at braso ko"
Nanlalaki yung mata ko at kagat kagat ko ang aking labi habang nakikinig sa usapan nilang dalawa. Mabuti na lang at sa kitchen sink ako nakaharap hindi nila nakikita ang reaksyon ko ngayon. Pakiramdam ko compliments iyon ni Master sa akin.
Master hindi ako mapapagod na tulungan ka sa pagte-therapy mo. Sa gwapo at bango mo, solve na ako.
At hindi ko na napigilan ang aking ngiti na pakiramdam ko abot na sa aking tenga.
"Jane, ikaw nang bahala dito ha, tapos na kami ni Master"
Opo. Ako nang bahala kay Master. Wag kang mag-alala. Sabi ko sa isip ko.
"Jane, aakyat na kami ha" wika ulit ni Sir Fred.
"Po?" Wika ko at natigil sa pag-iisip. Nilingon ko silang dalawa na tapos na palang kumain. Nakahawak na si Sir Fred sa likuran ng wheel chair ni Master. Siguro kanina pa nila ako kinakausap. Sa sobrang pag-iisip ko sa aking amo ay nawalan na ako ng pandinig.
"Sabi ko, aakyat na kami. Ikaw na---"
"Opo, opo Sir Fred. Ako na pong bahala rito. Sige po mag pahinga na po kayo ni Master"sabi kong aligaga at kinuha ang pinggan na nasa mesa.
"Good night iha" sambit ni Sir Fred.
"Good night po" sagot ko at hinarap ang mga hugasing nasa kitchen sink.
"Good night Jane"
Parang tumigil ang aking mundo nung narinig ko si Master. At yung tubig sa faucet ay nagtuloy tuloy lang sa pagtulo. Hindi ko nagawang lingunin si Master at si Sir Fred. Narinig ko na lang na umalis na ito sa kusina. Naiwan akong tulala habang kagat kagat ang aking labi. Bilang na bilang kung magsabi ng goodnight sa akin si Master. At ito yata ang pangalawang beses na nag good night siya sa akin. Ibang iba ang tinig niya ngayon na sa pandinig ko ay ang lambing ng pagkakasabi niya.
Umiling iling ako upang matigil sa pag-iisip. Mababaliw na yata ako. "Heto na kaya ang pakiramdam pag may nagugustuhan?"
"Jane, pahingi nga ako---"
Bigla akong napasigaw ng marinig si Sir Fred na nagsalita. "Ay!"
"Hala Jane Nagulat ba kita? Mukang malalim yata yang iniisip mo" ani ni Sir Fred at kumuha ng baso upang salinan ng tubig.
"Ah eh Sir Fred. Ano kasi, bigla ka kasing nagsalita, hehehe" sagot ko saka pilit na ngumiti.
"Pasensya na iha, kukuha lang ako ng tubig. Kailangan uminom ni Master ng gamot bago matulog."
"Ah ganun po ba. Eh ikaw Sir Fred wala kana pong sakit?"
"Wala na iha, sa sobrang pagod lang siguro kaya nilagnat at inubo ako kahapon. O syah, aakyat na ako"
"Sige po Sir Fred."
"Nga pala Jane, may nagugustuhan ka na ba? Isa ba sa mga bodyguard?"
Biglang akong napalunok at muling humarap sa kitchen sink. Narinig siguro ni Sir Fred yung sinabi ko kanina.
"Wala-- wala po Sir Fred"
"Narinig ko kasing may sinabi kang may nagugustuhan ka"
"Ah yun po ba, wala naman po sir Fred, paano naman po mangyayari iyon eh hindi naman po nakikipag-usap sa mga bodyguard at isa pa wala po sa isip ko---"
"Iha, okay na. No need to explain" Ani nito sabay tawa.
Para tuloy akong depensive. Tumawa na lang ako at itinuloy na lang ang paghuhugas.
"Jane, mukang bumubuti na ang kalagayan ni Master. Siguro sa mga susunod na araw maigagalaw na niya ang mga paa niya" saad ulit ni Sir Fred.
"Sana nga po"
"O syah aakyat na ako." Paalam nito at lumakad na palabas ng kusina.
Kung makakalakad na ulit si Master ibig sabihin hindi na niya ako kailangan. Ibig sabihin din aalis na ako rito.
Nakaramdam ako ng lungkot habang iniisip ang bagay na iyon. Pero bakit? Hindi ko maintindihan. Diba dapat maging masaya pa nga ako dahil babalik ako sa dati kong amo. Hindi dapat ako malungkot dahil makakasama ko na si Nay Lydia at si Minah.
Pero bakit ganun? Imbis na maging masaya ako ay naninikip itong dibdib ko. Dahil ba hindi ko na makikita ang aking amo? Hindi ko na makikita ang ngiti niyang gustong gusto kong makita. At yung amoy niyang gustong gusto kong amoyin pag malapit ako sa kanya.
Huminga na lang ako ng malalim at umiling iling para kahit papaano ay di ko na maisip ang bagay na iyon.
Ngunit kahit natapos ko na ang paghuhugas ay di pa rin maalis sa isip ko
Gusto ko na ba siya?
-----------------
"Master do you feel anything?" Tanong ni Nurse Robert habang pinapatama nito ang mukang martilyo sa tuhod ni Master.
Umiling ang aking amo. "I dont feel anything"
"I'll try again, this knee jerk reflex will help you kung may mararamdaman ka dito sa tuhod mo" sagot ni Nurse Robert at muling pinatama ng mahina ang hawak nito sa tuhod ng aking amo.
Nakatuon ang atensyon namin sa tuhod ni Master. Umaasa na sana ay may paggalaw kaming makita. Mayamaya ay bahagyang naitaas ni Master ang kanyang kamay.
"I feel something pero hindi masyado," sagot niya at kaming dalawa ni Sir Fred ay nagkatinginan.
"That's good. Try mong igalaw ang mga daliri mo sa paa. But dont force yourself. Concentrate and try to move it" sambit ni Nurse Robert.
"Okay" sagot ni Master saka huminga ng malalim.
Tahimik kaming lahat habang nakatingin sa paa ni Master. Umaasa na gumalaw iyon. Halos tumagal din ng limang minuto na sinubukan ni Master na igalaw ang kanyang daliri sa paa. Hanggang sa umiling siya.
"It didnt move" sabi niya na halata ang lungkot sa mukha.
"Its okay Master. Pwede mo naman subukan next day or mamaya. Pero dont force yourself. Ang mahalaga ngayon ay may naramdaman ka kahit konti" wika nito saka bumaling naman sa akin. "Jane ituloy mo pa din ang pag massage sa paa at binti ni Master. Pati yung arms at shoulder niya i-massage mo din. Mabilis ang improvement ng mga muscle ni Master Achi in past two weeks. Hopefully maigagalaw na niya ng normal ang mga kamay at braso niya"
"Opo," sagot kong sinabayan ng pagtango
"Thank you Jane," wika ni Nurse Robert at ngumiti sa akin.
"Is there anything else? Sabat ni Master na tila nag iba ang mood. Napansin kong umirap ito at iniwas ang tingin kay Nurse Robert.
"Yung medicine na lang po Master, I'll give it to Sir Fred"
"Okay," sambit ni Master na halata na pagkairita.
"Halika na muna Nurse Robert sa baba na lang po tayo mag-usap." Sabat naman ni Sir Fred saka lumabas kasama si Nurse Robert.
Paglabas nila ng kwarto ay nabalot na kami ng katahimikan ni Master. Alam kong may topak na naman siya. Halata kasing ayaw na ayaw niyang nandito ang Nurse. Dapat nga ay magpasalamat pa siya at matuwa dahil nagtya-tiyagang pumunta dito si Nurse Robert kahit malayo para i-check ang kalagayan niya.
Minsan napapailing na lang ako pag sinusumpong siya ng kasungitan. Daig niya pa ang babaeng may buwanang dalaw. Napaka moody.
Iniayos ko ang kumot at itinaklob iyon hanggang sa kanyang bewang. Habang inaayos ko iyon ay bigla siyang nagsalita dahilan para matigil ako sa aking ginagawa.
"Jane do you like Robert?"
"Po?" Kunot noo ko siyang binalingan ng tingin. Seryoso ang kanyang mukha at palagay koy naghahantay siya sa magiging sagot ko.
"Do you like him?" Ulit pa niya.
At ang tangi kong nagawa ay umiling. Bakit naman niya naitanong? Ano bang iniisip niya?
"I want to hear it from you" mahinang sabi niya pero halatang halata ang kanyang inis.
Hindi ko tuloy napigilan ang aking tawa. Hindi ko akalain na tatanungin niya ako tungkol dito at si Nurse Robert pa ang naisip niya.
"Don't laugh I'm serious!" Napalakas bigla ang boses niya dahilan para tumigil ako sa pagtawa.
Seryoso nga talaga siya kasi nagsasalubong na ang makapal niyang kilay at kung hindi niya magugustuhan ang sagot ko malamang magagalit na naman siya sa akin.
"Master, hindi po. Hindi ko po siya gusto." Sabi kong mahinahon at mayamaya lang ay bumuntong hinga siya at sa nakabukas na bintana naman siya tumingin.
"Okay, good" sagot niya at napansin ko ang sandali niyang pagngiti.
Hindi ko talaga siya maintindihan minsan. Kanina lang ay naiinis siya ngayon naman ay pa ngiti ngiti na. Hindi na ako nagsalita umupo na lang ako sa upuan malapit sa kanyang kama. Naghihintay kung may iuutos siya.
"Can you help me to sit" mayamaya ay sabi niya.
"Sige po Master" sagot ko at lumapit agad sa kanya. Iniakbay ko ang kanyang braso sa aking balikat habang ang isa kong kamay ay nakaalalay sa kanyang bewang at yung isa ay nasa kanyang likuran.
Halos yumakap ako sa kanya habang iniaangat ko ang kanyang likod upang makasandal sa headboard. Habang nakayakap ay dumikit na ang aking pisngi sa kanyang tenga na naging dahilan nang biglang pag-init ng aking pisngi. Siguradong Nag-ba-blush na ako. Nakakahiya kung makita ni Master ang mukha ko.
"Okay na" sabi niya nang makasandal na nang maayos sa may headboard. Hindi ko maalis ang kamay kong nakahawak sa kanyang bewang ayaw ko kasing makita niya ako na namumula.
"Jane, okay na" sabi niya ulit.
"Ah eh master, ano kasi" sabi ko sabay kagat ko sa aking labi.
"Why?" Nagtataka na siya at yung kamay ko na nasa bewang niya ay lalong humigpit ang hawak.
"Master, sorry po, sorry po". Parang naiiyak na ako dahil mas lalo yatang pumula ang aking mukha.
"Why? What happen?". Naramdaman ko ang paglingon ni Master na naging dahilan ng pagtama ng labi niya sa aking pisngi.
Grabeng kaba ang naramdaman ko at yung pagyakap ko sa kanya ay lalong napahigpit. Nanginginig ako ng mga oras na iyon at alam kong naramdaman niya rin.
"I'm sorry" mayamaya ay sabi niya.
Lakas loob kong nilingon siya ng dahan dahan. Hindi ko nagawang kumurap habang nakatitig sa kanyang mata. Parang nababasa ko sa kanyang mukha na marami siyang gustong sabihin.
Unti unting nawala ang aking panginginig at yung mata ko ay hindi ko na maalis sa kanya hanggang sa napatitig ako sa adam's apple na panay taas baba.
"J----jane" sabi niya ulit na parang nauutal. Bigla siyang kumurap na pati ako ay kumurap din at walang ano ano ay umalis ako sa pagkakayakap. Tumayo agad ako at sunod sunod na pagbow ang ginawa ko.
"Master! Pasensya na po, hindi na po mauulit, hindi na po, sorry po, sorry po talaga"
----------------------
Sunod sunod na paumanhin ang kanyang ginawa habang ako ay nakatingin lang sa kanya. Hindi ko maisip kung anong aking sasabihin. Hindi ko gustong lingunin siya kanina, at lalong wala sa isip ko na idampi ang aking labi sa kanyang pisngi. Kung bakit kasi hindi siya umalis sa pagyakap. Ano bang nasa isip niya?
"Master, lalabas na po muna ako. Tawagin mo na lang po ako kung may iuutos ka" sabi niya ulit at nagmadaling lumabas sa aking kwarto.
Paglabas niya ay huminga agad ako ng malalim, mauubusan yata ako ng oxygen. Ngayon lang ako nakatagpo ng babaeng nanginig dahil sa pagdampi lang ng aking labi. "She's so innocent" sabi ko at namalayan ko na lang ang aking daliri na nakahawak na sa aking labi.
This is the first time that I feel this thing.Im nervous but I like it. Hindi maalis sa isip ko ang mukha niyang namumula habang nakatitig sa akin kanina. I think she feel it too. We have the same reaction, parehas kaming nabigla at alam kong kinabahan siya. Kung magtatagal pa siguro kami sa ganoong posisyon ay hindi na ako magdadalawang isip na yakapin siya ng mahigpit. Mabuti nalang at nakapag pigil pa ako.
"I kissed her" sabi ko at di ko napigilan ang pagngiti habang dinadama sa labi ko ang malambot niyang pisngi.
----------------
Tapik tapik ko ang aking dibdib habang nakasandal sa pintong nakasara. Hindi ko lubos maisip na dumampi ang labi ni Master sa aking pisngi. Malambot iyon at hanggang ngayon nararamdaman ko pa din.
Muli na naman akong nanginig habang iniisip ang nangyari.
"Jane, ano bang nangyayari sayo, nababaliw kana ba?" Saway ko sa sarili at binatukan ang aking noo.
First time kong mahalikan at sa totoo lang ito pala ang pakiramdam. Yung tipong hindi ka makahinga ng maayos tapos halos mabaliw na ako sa kakaisip dahil yung first kiss ko ay si Master Achi pa.
Dapat nga matuwa ka pa dahil ubod ng gwapo ang humalik sayo.
Sabi ng isip ko at mayamaya pa ay hinawakan ko ang aking pisngi. Sinasapo ang presenya ng labi ni Master.
Pakiramdam ko pinagsamantalahan ko na naman si Master. Pakiramdam ko nagkasala ako kay Lord pati sa magulang ko.
Pumikit na lang ako at taimtim na nagdasal. Lord aksidente lang po iyon. Wag mo po sana akong parusahan.
------------------------