Alyas Kanto Boy The Reunion AiTenshi Part 35 JULIAN POV (ANHA) "Tingnan mo friend, napakagaganda ng shot ko last night doon sa sagala, at tingnan mo rin kahit anong anggulo napakagwapo ni papa ni Johan," ang wika ni Dante habang ipinapakita mga larawan sa cellphone niya. "Tapos mayroon pa sa dslr ni Aldrin diba?" "Yeah, dumaan ka daw mamaya para makuha mo yung ibang pictures mo doon," ang wika ko naman habang nakangiti. "Tingnan mo naman to frend, napakadami ng photos na inupload ni Yani, 1800 plus lang naman. Sobrang patay gutom siya sa selfie, biruin mo 1200 doon ay puro mukha niyang arrghh I can't even say the word, "masagwa" at parang bilasa ever," hirit ni Dante. "Mas lamang siya sa iyo ng 600 photos. Diba 1200 yung inupload mo kanina? At inunfriend ka na si Shan Dave dahil na