Alyas Kanto Boy 2 The Reunion AiTenshi Part 94 JOMAR POV (AHNA) "Anong nangyari kila Greg kahapon?" tanong ko habang pumapasok sa gate. "Disaster dahil nag walk out itong si papa Raul at iniwan si Greg dito mag isa. Teka nasaan si Shan Dave?" tanong ni Dante "Hindi kami nagsabay, natutulog pa ito noong umalis ako," ang tugon ko naman sabay bitiw ng pekeng ngiti. "Frend, sana mabawasan man lang yung burden mo, namimiss ko na kasi yung dating ikaw na masaya at parating nakangiti. Sana maging maayos na ang lahat," ang wika ni Dante. Ngumiti ako sa kanya pero pilit ito, "maganda yung ngipin mo, winner yan. Pero yung mata mo? Umiiyak pa rin," ang sagot nito sa akin. "Pero pinipilit kong maging masaya, ginagawa kong busy yung sarili sa buong maghapon para lang makalimot pero sa gabi k