Alyas Kanto Boy 2 The Reunion AiTenshi Part 47 ERNEST POV (TLP) "Alam mo ibinilin ka sa akin ni Jomar at Greg, sabi nila ay samahan muna kita dahil wala yung bestie mong si Yel na parang hindi nakakatikim ng t**i sa buong buhay niya dahil tuyot na tuyot ito. Okay ka lang ba frend? Naaawa ako sa ginawa ni Gomer sa iyo," ang wika ni Yani noong isama niya ako sa kanyang training. "Okay naman ako, teka kumusta si Jom? Okay lang ba siya? Okay na ba sila ni Bogs?" tanong ko naman. "Si Jom? Nakakaawa siya, parang bumagsak ang buong mundo niya, parang ayaw na niya mabuhay at ayaw na rin niyang huminga. Parang gusto na niya mategi sa matinding kalungkutan," ang malungkot na wika ni Yani. "Talaga ba? Kawawa naman pala si Jom. Puntahan kaya natin siya?" "Ano ka ba joke lang naman iyon, si Jo