Alyas Kanto Boy 2 The Reunion AiTenshi Part 92 ALDRIN POV (AGG) "Good morning at welcome back, Konsehal Johan Escaler, the EUT king of all time! Your excellency! At good morning din first lady Mr. Aldrin Jimenez Escaler. Natutuwa ako at pinaunlakan niyo ang aking pangalawang invitation. Parang kailan lang noong unang humarap kayo sa akin upang mag voice ng inyong mga saloobin. Sana ay marami kayong natutunan at sana ay mas nag grow pa kayong dalawa bilang isang mabuting tao, mabuting magkarelasyon buhat noon," ang nakangiting bungad ni Dante noong muli kaming umupo sa kanyang harapan para sa counseling. Ayoko na alalahanin yung nakaraang counseling namin dahil disaster iyon, nakakahiya at talagang gulo ang nangyari. "Ngayon ay kasama natin si Bayani Magiting Jr. Ang ating inhouse bo