Alyas Kanto Boy 2 The Reunion AiTenshi Part 19 GREG POV (AKB) Araw ng Martes, habang pauwi ako sa bahay ay hindi sinasadyang makasalubong ko si Andrei sa mall. Siya yung kaibigan ko sa US na iniwan ng partner niya dahil sumama ito sa babaeng pinagpunlaan ng semilya para sa surrogation. Mukha namang okay na siya at naka-move on na, ewan ko lang rin kung ganoon nga. "Drei? Kailan ka pa nakauwi? Ang sabi mo sa akin ay next year ka pa?" tanong ko sa kanya habang nakangiti. "Hi Greg, kumusta ang vacation? Kailan ang balik niyo sa US? Actually kakauwi ko lang last day kaya wala akong ginawa kundi ang matulog buong maghapon. Ngayon nga lang ako lumabas ng unit para magliwaliw. Coffee?" tanong nito habang nakangiti. "Sure naman, sinong kasama mong umuwi? Saka bakit ka biglang nagbago ng des