Alyas Kanto Boy 2 The Reunion AiTenshi Part 39 DANTE POV "Bibingka kayo dyan! Ang bibingka ni Yani! Burb!" ang entrada ko sa opisina. "Sir Dante naglalako na po ba kayo ng bibingka? Saka bakit parang ang bloated po ng tiyan mo?" tanong ng front desk. "Cheese cake lamang niyan, huwag ka na nga magtanong, ayan kumain ka ng bibingka may ilog alat yan ha," ang tugon ko naman. "Bibingka kayo diyan! Ang mahiwagang bibingka ni Yani!" "Where have you been Manager Dante?" tanong bungad ni Shan Dave habang nakapatong paa sa kanyang table. "Mainit ang ulo ni Kupal dahil nag cancel yung order kanina," ang bulong ni Julian. "Baka naman hindi mo pinasex yung asawa mo kagabi kaya mainit ang ulo," ang bulong ko naman. "Excuse me, nag s*x kami kagabi, sadyang mainit lang ang ulo niyan," ang bulo