Alyas Kanto Boy 2 The Reunion AiTenshi Part 29 Ernest POV (TLP) "Hoy Berta tumigil ka na nga diyan, baka maya maya ay di pa ako pumayag mag-escort sayo," ang wika ni Johan. "Lalaki ka lang sa buhay ko! Pinapunta mo ako sa mga bisyo mong walanghiya! Mahirap akong kalabanin! Char! Ikaw naman kasi Ernest para kang si Jaclyn Jose, wala kang emosyon!" ang hirit ni Dante sa akin sabay tago sa aking likuran. Napatingin naman ako kay Gomer na noon ay may lungkot sa kanyang mata, ewan ko lang kung totoo ba ito o umaarte lang. "Tayo yung dahilan kung bakit nagkakagulo sila ngayon. Kung bakit nadamay pa itong mga kaibigan natin," ang wika ko. "I know, gusto kong umuwi ka na Ernest. Pag-usapan natin ito sa bahay," ang wika ni Gomer. "No, dito natin tatapusin ito. Huwag mo na sana itanong sa a