Alyas Kanto Boy 2 The Reunion AiTenshi Part 105 GREG POV (AKB) “Magandang reunion ito diba? Tungkol sa tanong ni Bogs kanina, gusto kong bigyan kayo ng tatlong rason kung bakit nandito kayo ngayon. UNA: Nais kong kunin ang compound ng Bagong Pag-asa, alam naman natin na dating pag-aari iyon ng aking ama. Siya founder ng mga alyas, kaya’t nais kong kunin ang dapat na sa akin. Gusto ko ring iganti ang aking ama dahil sa kalupit ng inyong samahan. At wala akong pakialam kung matagal nang naganap iyon, ang kasalanan ng nakalipas ay sisingilin ko sa inyo! IKALAWA: Nais kong pamunuan ang inyong compound. Magtatayo ng panibagong alyas doon at hindi ganyan sa inyo na mahihina at marurupok. Papalawakin ko ang aking nasasakupan upang sa ganyon ay magkaroon ako ng taga sunod. Ganoon rin ang