Labis-labis ang pasasalamat ng mag inang Rafa at Victoria dahil natapos na ang operasyon ni Ricardo. "Naging matagumpay po ang aming operasyon kaya lang nanatili paring walang malay ang pasyente. This twenty four hours is very crucial for him, we have to observe him kung hindi magbabago ang vitals niya. He will still remain in the ICU hangga't hindi pa po namin nasisiguradong one hundred percent successful ang aming operasyon," sabi ng isa sa mga doktor na umopera kay Ricardo. Hindi pa nila ito pwedeng malapitan kaya nagkasya na lamang sila sa pagtanaw rito buhat sa glass window ng ICU. May mga aparatong nakakabit dito. "Magiging okay na si Dad, maghintay lang tayo." Alam ni Rafa na kagaya niya ay hindi lubos ang kasiyahan ng ina dahil hindi pa siguradong ligtas na sa kapahamakan ang k