Mahigit isang linggo naring nagsasama si Rafa at Athena. Naging maayos naman ang dalaga sa piling ng binata. Wala silang napag uusapan tungkol sa kanilang dalawa ngunit parang mag asawa na ang turingan nila sa isa't-isa at ang kulang na lang talaga ay kasal. Minsan napapaisip si Athena kung may pagmamahal ba talaga si Rafa sa kanya at kung saan sila dadalhin ng kanilang pagsasama na wala naman siyang pinanghahawakan? Sa huli ay hinayaan na lamang niya ang sarili na sumugal, kung matalo man siya ang mahalaga ay naramdaman niya ang maging masaya. Pumasok sa opisina si Rafa ng araw na iyon, naiwan naman ang dalaga sa condo. Maghapon lang siyang naglinis at naglaba ng kanilang maruruming damit. Alas sais na ay hindi pa ito dumarating. Nakapag luto na ng kanilang hapunan si Athena. Makalipas