"Doktora, may isa pa pong pasyente na gustong magpakonsulta sa inyo," sabi ng assistant ni Nimfa, natigil siya sa sana'y gagawin na pagliligpit ng kanyang mga gamit. Akala niya ay huling pasyente na ang lumabas kani-kanina lang, may humabol pa pala. "Okay, Eszra, papasukin mo na," utos niya rito. Ilang sandali lang ay bumukas ang pinto ng kanyang clinic, inangat niya ang ulo para mapagsino ang pumasok. Nangunot ang noo niya, pamilyar sa kanya ang mukha ng lalake ngunit hindi niya matandaan kung saan niya ito nakita. "Good afternoon, Dra. Saito!" bati ng lalake sa kanya. "Good afternoon din sa 'yo! Ano ba ang ipapakonsulta mo?" tanong niya rito. "I just take this opportunity to talk to you. The truth is, I'm not here for a consultation, sa tingin ko kasi it's better na dito ko na lang