"Ano'ng ginagawa ni Paulina rito?" tanong ni Mia. Tapos na ang maghapong klase, sabay sila ni Athena na naglalakad sa corridor ng school. Namataan nila si Baris na kausap si Paulina, nakatambay ang dalawa sa waiting area ng paaralan. Ilang hakbang na lang ay malapit na sila sa kinaroroonan ng mga ito. Saglit na napahinto si Athena. Balak sana niyang lumihis ng daan kaya lang ay nakita na sila ni Paulina, tuwang kumaway pa ito sa kaniya. Alam niyang siya ang sadya nito, tumawag kasi ito sa kaniya kagabi at nagpapasama ito sa mall para mamili ng mga gamit ng bata. Nagsabi siya ritong hindi siya makakasama dahil may importante siyang gagawin. Hangga't maari ay gusto na niyang iwasan ito. Nilingon siya ni Mia, nangunot ang noo nito. "Ikaw ba ang pinuntahan ng babaeng 'yan dito?" seryos