"Look, mukhang nangyari na nga ang sinasabi ko." Kunot noong nilingon ni Athena ang kaibigang si Mia. Inilapag nito sa desk niya ang hawak na cellphone. Maang na sinulyapan naman iyon ni Athena at nabigla siya sa kaniyang nakita. Si Rafa at ang sinasabi nilang ex-girlfriend daw nito, napaka sweet ng dalawa sa mga larawan na parang kuha sa isang party. "See, nabaling na nga sa iba ang pagtingin niya," dagdag na sabi pa ni Mia na para bang sinisisi ang kaibigan sa nangyaring pagkakabalikan ni Rafa at ng dati nitong nobya. "Bagay naman sila sa isa't-isa, ah." Nagkunwari si Athena na hindi naapektuhan sa kaniyang nakita. Ini-scroll pa nito para isa-isahing tingnan ang lahat ng larawan. "Tsh! Talaga hindi ka affected?" may pagdududang tanong ni Mia. "Oo, naman, kung saan siya masaya si