"Sige na please, sumama ka na! Nakakainis ka naman, birthday ko 'yon tapos hindi ka pupunta, alam mo namang ikaw lang ang bukod tanging bestfriend ko," may himig pagtatampo na sabi ni Mia kay Athena. "Hindi ba nakakailang, puro kayo may partner ako lang ang wala?" alanganing tanong ni Athena. Nag aaya si Mia na mag out of town sila sa Sagada sa araw ng birthday nito. Iyon ang napili niyang gawin kaysa ang maghanda sa kaniyang kaarawan. "Ano ba, okay lang 'yon, hindi ka naman namin pababayaan ni Baris." "Eh, pero ang layo ng Sagada, sa pagkakaalam ko 12 hours ang biyahe mula rito patungo do'n." "Adventure trip nga 'di ba? Oo nga pala bawal magdala ng kani-kaniyang sasakyan, sa isang van lang tayo sasakay para mas masaya. May kasama naman tayong tatlong driver na magpapalitan sa pagmam