DECEMBER JANINE TRINIDAD “DEC, AALIS lang ako ha? Wag kang aalis ng bahay nang hindi ko alam. And please, yung mga binilin ko sa’yo alalahanin mo ang mga ‘yon.” Bilin sa akin ni Raphael habang nag-aayos siya ng mga gamit niya. "Gusto kong makita kayong masaya habang buhay kaya ginagawa ko 'to. I'm really sorry..." He told me. Hindi ako umimik agad at saka ako napabuntong hininga. May pupuntahan daw siya sa Manila kaya naman siya aalis. Tumango na lang ako sa kaniya bilang sagot. Mahigit ilang lingo na rin ang lumipas mula ng magkita kami nila Vaughn at si Raphael. Sa tingin ko naging mas mahigpit siya matapos no'n. Every move is calculated, dapat alam niya at madalas pa siyang paranoid. He seems too obsess with the fact that the people around me might hurt me. At sa totoo niyan, I fi

