25th Pleasure DECEMBER JANICE TRINIDAD GOOD MORNING, Raphael!” bulong ko sa kaniya nang magising ako kinaumagahan. Hindi ko alam kung bakit tila ba ang payapa ng nararamdaman ko ngayon. Hindi ako nainis, hindi din ako nagagalit. Siguro natututo na ako magpatawad, oo 'di ko makakalimutan ang ginawa niya sa akin pero 'di ibig sabihin no'n e' magpapalamon ako doon. I have his child, and we are here together. Ngumiti siya sa akin, rumehistro ang payapang mukha niya. Hindi ko akalain na nagtatagal na kami rito, at unting- unti magiging maayos at kumportable ang lahat. "Good Morning din, Dec." Sagot niya sa akin. "Hindi ka na naman ba natulog?" tanong ko sa kanya, ngumiti siya sa akin, "Gusto kong matulog kaya tumingin ako sa'yo, pero 'di ko akalain na magtatagal akong tumitig sa'yo."

